PATULOY na paghuhusayin at palalakihin ng Department of Agriculture (DA) ang loan programs para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para palakasin ang produksyon, tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad at hikayatin ang mga kabataan na makisali sa pagsasaka.
Sa isang panayam, sinabi ni DA Agricultural Credit Policy Council Executive Director Ma. Cristina Lopez na ang iba’t ibang loan programs ay available para sa mga magsasaka at mangingisda sa mababa o maging zero – interest rates, lalo na matapos ang pananalasa ng kalamidad.
Kabilang na rito ang Agri-Negosyo Loan at ang Survival and Calamity Loan Program para sa mga magkakasaka na apektado ng kalamidad, i- refinance ang mga opsyon kabilang na ang moratoriums na available para sa mga umiiral na loans.
“Meron tayong mga programa ng pagpapautang na ito dinadaan natin sa partner lending conduit. Ito ang mga banko at kooperatiba, kasama rin ang DBP (Development Bank of the Philippines) at Landbank,” ang sinabi ni Lopez.
Aniya pa, ang Agri-Negosyo Loan ay nag-alok ng loans ng hanggang P300,000 na may subsidized interest rate na 2% per annum.
Tinuran pa nito na ang loan ay available sa mga magsasaka na aktibong sangkot sa pagsasaka , sa kabila ng wala itong pansariling pag-aari ng lupain na sakahan.
“Farmers who do not own the land must only provide proof, such as a lease agreement or certification from their association or barangay that they are the ones tilling the land, to be eligible for the loan,” ani Lopez.
Winika pa ni Lopez na ang bawat pamilya ay entitled sa isang loan lamang subalit “exemptions are in place for family members who cultivate separate farms, even though they live under one roof.”
Ang Survival and Calamity Loan Program ay available sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng kalamidad gaya ng kamakailan lamang na sunod-sunod na tropical cyclones na tumama sa ilang lalawigan sa bansa.
“Para sa mga may state of calamity, may declaration tayo sa lokalidad nila, meron tayong tinatawag na Survival and Calamity Loan Program. Walang interest ito, ang pwedeng mautang nila ay hanggang P25,000. Ito para maka-recover sila ulit at makapagtanim agad,” ang sinabi ni Lopez.
Samantala, ang mga may existing loans subalit apektado ng kalamidad ay maaaring mag-avail ng moratorium sa loan repayment, pinapayagan ang mga borrowers na ipagpaliban ang pagbabayad ng kanilang principal ng hanggang isang taon lalo pa’t kung ang kanilang mga pananim ay nasira.
Idagdag pa rito, nakipag-ugnayan na ang DA sa mga lending institutions na mag-alok ng ‘refinancing options’ para sa mga ito.
Ani Lopez, sa ilalim ng Agri-Negosyo at Survival and Calamity Loan programs, nagpalabas na ang DA ng P28 billion simula pa noong 2017.
“Sa La Niña, nakapag-allocate tayo ng PHP500 million. Dito sa Kristine (international name Trami) pa lang meron tayong nasa pipeline, dun sa kakaayos lang ng kanilang submission ng request, nasa P147 million,” ayon pa rin kay Lipez.
Ang pondo ay ipamamahagi sa pamamagitan ng iba’t ibang channels, kabilang na ang kooperatiba at rural banks, upang magbigay ng financial relief sa mga nangangailangan.
Tinuran pa ni Lopez na 5,600 magsasaka mula sa apektadong lalawigan ang nagpahayag ng kanilang intensyon na mag- avail ng loan program, karamihan mula sa Bicol region.
“Para sa moratorium, mga P167 million benefitting 1,100,” aniya pa rin. (Daris Jose)