• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na wanted sa carnapping, nadakma ng Valenzuela police

KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Dalandanan ang presensya ng 29-anyos na akusado na residente ng Bulacan.

 

 

Agad inatasan ni Col. Cayaban ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS6) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Doddie Aguirre na bumuo ng team para sa isasagawang pag-aresto sa akusado.

 

 

Kasama ang mga tauhan ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Station Intelligence Section (SIS), dinakip ng mg tauhan ng SS6 ang akusado dakong alas-9:30 ng umaga sa 3S Dalandanan, Barangay Dalandanan.

 

 

Ang akusado at inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City na may petsang November 11, 2024, para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883) Carnapping.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Other News
  • Oplan Pag-Abot ng DSWD, napanatiling ligtas ang 1,461 katao mula sa panganib sa lansangan

    NAPANATILI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng  Oplan Pag-Abot nito,  ang 1,461  katao, na nakatira noon sa lansangan sa Kalakhang Maynila na ligtas mula sa panganib sa lansangan.     “As of Dec. 18,” ang  Oplan Pag-Abot na inilunsad noong Hulyo, umabot sa  871 miyembro ng pamilya at 590 unattached […]

  • Cancer survivor pens open letter to PBBM: ‘Give importance to cervical cancer’

    Reggie Mutia Lambo Drilon, cervical cancer survivor, outspoken patient rights advocate, and current president of the Cancer Survivors Organization at the Philippine General Hospital (PGH), is calling the attention of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to the plight of cancer patients, particularly female patients battling cervical cancer who are highly dependent on the government’s cancer health […]

  • Ads March 11, 2022