• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police

NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito.

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto ng kanyang mga tauhan ang lider ng “Melor Criminal Gang” na si alyas “Melor”, 32, call center agent, sa harap ng Fiesta Mall Compound, Brgy. Maraouy, Lipa City Batangas.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nancy Rivas Palmones ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong June 14, 2013, para sa kasong Robbery na walang piyansang inirekomenda ang korte.

 

Kasunod nito, nadakip din ang isang miyembro ng grupo na si alyas “Malaga”, sa Bagong Filipino Compound, Brgy., Canumay West sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 12 ng Malolos Bulacan para sa kasong Robbery noong Hunyo 6, 2024, na may inirekomendang piyansang P100.000.

 

Ayon kay Col. Cayaban, nauna nang nahuli ang tatlong miyembro ng grupo noong nakaraang September at October 2024 na sina alyas “Apit”, alyas “Balog”, at alyas “Atoy”, na pawang may mga kasong ‘theft’.

 

 

Sa imbestigasyon, ang naturang grupo umano ang nambibiktima sa iba’t ibang lugar kabilang ang Malolos, Bulacan, Quezon City, at Valenzuela.

 

Ang naturang grupo din ang itinuturong mga suspek sa panloloob at nakawan sa isang remittance establishment sa Brgy. Canumay West at sa ‘robbery/ snatching incident’ noong nakaraang Oktubre 14, 2024 sa Fortune 5, Brgy. Paso De Blas.

 

Ani PMAJ Randy Llanderal, hepe ng SIS, modus ng grupo na i-surveillance muna ang target na establisyimento o bahay bago isagawa ang pagnanakaw habang pinaghahanap pa ang isa pang natitirang miyembro nito na si alyas “Adan” na wanted din sa kasong robbery.

 

“Hindi po kami titigil sa paghahanap sa mga taong nagtatago sa batas kahit saan pa kayo magtago. Ang Valenzuela police ay seryoso sa pagtugis sa mga kriminal na patuloy pang gumagawa ng mga krimen,” pahayag ni Col. Cayaban. (Richard Mesa)

Other News
  • Batas na nagpangalan kay Fernando Poe Jr. sa Roosevelt Ave, pirmado na ng Pangulo

    OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Ipinag-utos ng batas […]

  • Luke 1:78

    The dawn from on high shall break upon us, to shine on those who dwell in darkness.

  • Valenzuela, nasungkit ang 8th Galing Pook Award para sa Child Protection Initiatives

    NATANGGAP ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ika-8th Galing Pook Award para sa programa nitong Safe Spaces and Safeguarding Children: at Strengthening LGU-Led Community-Based Child Protection, sa ginanap na awarding ceremony sa Samsung Hall, Taguig City, noong Oktubre 24.     Isa sa top 10 awardees mula sa pool of 18 finalists, ang Valenzuela City […]