107K paslit sa NCR, target mabakunahan ng DOH
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
TARGET ng Department of Health- Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na mabakunahan at maprotektahan laban sa mga vaccine-preventable diseases ang mahigit sa 107,000 paslit sa National Capital Region (NCR).
Ito ay sa ilalim ng catch-up immunization campaign na inilunsad ng DOH sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City, at dinaluhan ng mahigit sa 250 paslit, mga buntis at mga nakatatanda.
Ayon sa DOH, nasa 107,995 paslit sa NCR, na nagkakaedad ng 0-23 buwan, ang kanilang nais mabigyan ng BCG vaccine, Hepatitis B, bivalent oral polio vaccine (bOPV), pentavalent vaccine, pneumococcal conjugate vaccine (PCV), inactivated poliovirus vaccine (IPV), at measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine.
Ang mga buntis ay bibigyan naman ng DOH ng bakuna laban sa tetanus-diphtheria (TD) habang ang mga senior citizen naman ay pagkakalooban din ng mga kinakailangan nilang bakuna.
-
CA Justice Priscilla Baltazar-Padilla itinalagang bagong SC Associate Justice
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Associate Justice ng Korte Suprema si Court of Appeals Justice Priscilla Baltazar-Padilla. Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque nitong Huwebes ng gabi. Papalitan ni Padilla si Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr, na nagretiro na noong Mayor. Magugunitang ilan sa mga nomiado […]
-
Ihahatid ang pinaka-nakakikilabot na content sa vlog: Sen. IMEE, tatalakayin ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing ‘Araw ng mga Patay’
ISANG nakatatakot na Halloween long weekend ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang official YouTube channel dahil bibigyan niya ang kanyang online Imeenatics ng pinaka-nakakikilabot na content to date. Ngayong Oktubre 28 (Biyernes), sa kanyang vlog entry na pinamagatang ‘Pammati ti Ilokano’, makakasama ng Senadora ang isa sa mga paborito niyang partner sa […]
-
PSC inihahanda na ang mga pasilidad para sa Team Philippines
KAILANGANÂ nang pagÂhandaan ng mga national athletes ang mga darating na international competitions kagaya ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at ang 19th Asian Games sa China sa 2023. Kaya naman gagawing 100% operational ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at PhilSports Complex bilang mga main training […]