• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Int’l travelers bumaba ng 95% mula nang mag-lockdown

Bumaba ng 95 porsyento ang bilang ng mga international passenger na pumasok at lumabas ng bansa mula nang magsimula ang COVID-19 lockdown nitong Marso, kumpara sa kaparehas na panahon noong 2019, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 96 porsyento ang ibinaba ng international arrivals at 95 porsyento sa departure mula Marso 16 hanggang hunyo 30 dahil sa suspensyon ng mga flight at travel restrictions sanhi ng pandemya.

 

Tanging 189,000 pasahero lamang ang dumating sa bansa at 238,000 ang umalis sa panahong ito, kumpara sa 5016 milyong departure sa parehong panahon noong 2019.

 

“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” ayon kay Morente.

 

Ayon kay deputy spokesperson Melvin Mabulac, maraming pasahero ang pumasok at lumabas sa bansa sa pmamagitan ng Ninoy Aquino International Airport dahil sarado ang ibang international gateways habang may lockdown.

 

Aniya, pinayagan lamang na magbalik-operasyon ang international flights sa Clark at Mactan airports noong Hunyo.
Ayon pa kay Mabulac, kabilang sa mga dumating ang mahigit 16,000 seafarers na bumaba sa barko makaraang i-quarantine sa mga barko sa Manila Bay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA

    IBINASURA  ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.     Sinabi ng Comelec second division na walang  misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.   […]

  • “Better response coordination” sa LGUs’, target ng NDRRMC

    TARGET ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang  “better disaster response coordination” sa  local government units (LGus).     Sinusuri nito ang sistema kasunod ng mataas na record ng casualties mula sa pananalasa  ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae).     Sinabi ni NDRRMC assistant secretary Bernardo Alejandro IV na ang ahensiya […]

  • Abu Dhabi Crown Prince kay PDu30: UAE gov’t will take care of OFWs

    NANGAKO si Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan na iingatan ng kanyang gobyerno ang mga Filipino national na naninirahan at nagta-trabaho sa United Arab Emirates (UAE).     Ang pahayag na ito ng Crown Prince ay naipabot kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng phone call.     Ni-renew kasi […]