• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Registration sa Social Media accounts, di pinalawig

WALANG pagpapalawig sa deadline ng registration sa social media accounts ng political parties ,party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong martes.

 

Ayon sa Comelec resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13.

 

Pinaalalahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga concerned parties na sumunod sa bagong guidelines ng Comelec upang hindi ma-delete ang kanilang mga posts o platforms.

 

Ang social media account registration ay bahagi ng regulasyon ng digital election campaigning. Layon nitong i-regulate ang paggamit ng artificial intelligence at ipagbawal ang paglaganap ng disinformation at maling impormasyon.

 

Ayon pa sa Comelec resolution No.11064-A, inamyendahan din ng poll body ang patakaran sa mga tuntunin sa social media sa pag-alis sa probisyon na ang mga accounts ng mga pribadong indibidwal ay dapat irehistro at i-regulate.

 

Sinabi ng komisyon na ang pag-amyenda ay layong itaguyod ang Kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ng mga pribadong mamamayan. GENE ADSUARA

Other News
  • Gobyernong Duterte, determinado na pigilan na mawala ang isa pang teritoryo sa WPS

    DETERMINADO ang pamahalaan na pigilan ang pagkawala ng isa pang teritoryo matapos palayasin ng mga coast guard authorities ang Chinese vessels mula sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea.   Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pinakahuling hakbang ng coast guard, sabay sabing ang bansa ngayon ay nagpapalayas ng mga foreign vessels mula sa […]

  • Sa naging selebrasyon ng 8th anniversary… JERALD, ‘di nagpakabog kay KIM pagdating sa ‘sweet messages’

    LAST July 21, nag-celebrate sina Jerald Napoles at Kim Molina ng kanilang 8th anniversary.     At katulad ng kanilang nakagawian, nagpasiklaban na naman ang magkarelasyon ng sweet messages para sa isa’t-isa sa social media, na kung saan kinabog ni Jerald si Kim.     Sa post ng aktor kasama ang photo nila ni Kim, […]

  • Pharmally officials, ‘di bibigyan ng special treatment sa Pasay jail – BJMP

    Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani.     Ayon kay BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito.     Gayunman, […]