• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki, kulong sa illegal na pagbebenta ng baril

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki na ilegal umanong nagbebenta ng baril matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City, Linggo ng hapon.

 

Sa inisyal na imbestigation, nakanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa ilalim ng pamumuno ni Station Chief P/Major Randy Veran hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng baril ni alyas “Genesis”, 26-anyos.

 

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng mga tauhan ni Major Veran ay agad ikinasa ng Northern NCR MARPSTA ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Genesis dakong alas-5:56 ng hapon sa Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Balintawak, Quezon City.

 

Nakumpiska sa suspek ang isang Cal. 22mm “Black Widow” rebolber na may dalawang pirasong at P11,000 buy bust money.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 32, “Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition or Parts” of R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. (Richard Mesa)

 

Other News
  • MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

    Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 […]

  • PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area

    GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses.   “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]

  • Ads May 4, 2023