• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round

NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans.

 

Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha ng Miss Universe-Asia, na umabot sa Top 30 pero hindi nga nakapasok sa Top 12.

 

Pinagtatalunan nila na mas deserving daw sicMiss Thailand Suchata “Opal” Chuangsri, na nagtapos naman sa beauty pageant bilang 3rd runner-up.

 

Paliwanag ni Khan Anne, “To inform you, the Philippines is an Asian country with the highest score from the preliminary round. It was clear from the beginning that we had four Queens from each region.

 

“Before the Top 30 Semifinals, we decided to announce this after the coronation to avoid influencing the judges scores.”

 

Dagdag pa niya, “Once again, this is not a placement but a promotion. The other four people were with us before the finals, and we knew them by their spirit, soul, attitude and sincerity as women.“

 

Dahil dito mas marami ang natuwa sa parangal na ito para kay Chelsea, dahil deserving talaga na mag-represent ng Asia. At marami talaga ang naniniwala na dapat ay nakapasok siya sa Top 5.

 

Usap-usap din ngayon sa pageant world, ang nahagip na tsikahan sa media presentation ng new Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig na mula sa Denmark at 4 Continental Queens.

 

Gandang-ganda raw sila sa face ni Chelsea at sa tingin nila ang limang reyna na iniharap sa kanila ang ‘real Top 5’ ng Miss Universe.

 

Congrats pa rin kay Chelsea at dapat lang na maging proud sa kanya ang buong bansa. Deserve din niya na mabigyan ng grand homecoming parade sa pagkakahirang bilang first ever Miss Universe-Asia.

 

***

 

LUMAGDA ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Victorias City, Negros Occidental, para mas mapalawig pa ang kampanya ng “Responsableng Panonood Tungo sa Bagong Pilipinas.”

 

Pumirma para sa MTRCB si Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio at si Mayor Javier Miguel Benitez ng Victorias sa seremonya noong Nob. 17, 2024, kaharap ng ilang MTRCB Board Members at opisyales ng Victorias LGU.

 

“Ang pagtutulungan ay misyon ng MTRCB na maitaguyod ang responsableng panonood at tamang pagpili ng palabas ng pamilyang Pilipino na nakatuon sa interes ng kabataang manonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio.

 

Parte ng kasunduan ang pagpapalabas ng infomercial na siyang makatutulong sa mga magulang at nakakatanda pagdating sa responsableng paggabay sa mga bata sa pagpili ng palabas na angkop sa kanilang edad.

 

“Napakahalaga po ng partisipasyon ng mga magulang pagdating sa responsableng paggabay sa inyong mga anak at kabataang Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio. “Tayo, bilang mga magulang at guardian, ang magsisilbing unang proteksyon nila laban sa mga mapanganib na content sa pelikula, telebisyon o social media na posibleng makaapekto sa musmos nilang kaisipan.”

 

Sinabi naman ni Benitez na handa ang kanyang pamahalaan na sumuporta sa mga adhikain ng MTRCB tungo sa responsableng panonood.

 

“Kaisa po ang Lungsod ng Victorias sa MTRCB na maging isang responsableng Pilipino ang ating mga kababayan pagdating sa panonood at paggamit ng media,” sabi ni Benitez.

 

Lumagda rin noong Nob. 16 ng isang MOU ang Cadiz City LGU at MTRCB para sa kahalintulad na misyong isulong ang responsableng panonood sa Lungsod ng Cadiz.

 

Ang dalawanag MOUs ay alinsunod sa “Tara, Nood Tayo!” campaign ng administrasyong Marcos na layong mapalakas ang industriya ng pelikula at ang paigtingin pang lalo ang tamang pagpili ng panonoorin ng pamilyang Pilipino.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

    BAGAMA’T  70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).     ‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang […]

  • Tiniyak ng DBM, pag-aaral sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, matatapos sa unang bahagi ng 2024

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na matatapos sa unang bahagi ng taon ang “comprehensive study” ukol sa potensiyal na salary adjustment para sa mga manggagawa sa gobyerno.     Sinabi ni Budget Secretary Mina Pangandamanan, layon ng Inisyatiba ang tiyakin ang “competitive at equitable compensation package” para sa mga government workers.   […]

  • Due to insistent public demand: Bonding ng dalawang Sanchez sa ‘Korina Interviews’, muling natunghayan

    ULING natunghayan ang kasiyahan at insightful moments ng exclusive one-on-one interview ni Korina Sanchez-Roxas sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Korina Interviews kahapon (Linggo, Disyembre 4) sa NET 25.     Due to insistent public demand, kaya muling ipinalabas ng Korina Interviews ang talaga namang pinag-usapan na episode kasama ang veteran dramatic actress […]