• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“NO STRINGS ATTACHED” sa pagpapauwi kay MARY JANE VELOSO- DFA

HINDI humirit ng anumang pabor ang Indonesian government kapalit ng nalalapit na pagpapauwi sa convicted Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.

 

 

“There are a lot of speculations as to what the return or what was the condition. The Indonesians have not requested any payback for this,” ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“May I clarify, this is not in return for anything,” ayon kay De Vega.

 

 

Sinabi ito ni De Vega matapos na magpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ukol sa pagtanggap kay Veloso pabalik ng bansa.

 

 

Si Veloso ay nahatulan ng drug trafficking sa Indonesia noong 2010. Siya ay nasa death row sa loob ng 14 na taon.

 

 

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang official X account (@bongbongmarcos).

 

 

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto at sa Indonesian government para sa ‘mabuting kalooban’ nito.

 

 

“Of course, from ASEAN, we know about the debt of gratitude and that similarly they may request something from us in the future. But right now, they are not asking anything in return for this arrangement,” ang sinabi ni De Vega.

 

 

Binigyang diin pa rin ni De Vega na ang kaso ni Veloso ay nananatiling “a work in progress” para sa Indonesia.

 

 

“So, when she gets here, if she gets here, she will not immediately be released. It means, we will commit to detain her until such time that [there’s a] mutual agreement that she could be given clemency,” ang tinuran ni De Vega.

 

 

“But at least, she would be here,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni De Vega na ang ‘mabuting kalooban’ ng Indonesia ay nagpapakita ng matatag na liderato ni Pangulong Marcos, mahigpit na ugnayan sa Indonesian government, at commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa mga overseas worker nito.

 

 

Samantala, labis namang nagpasalamat at lubos ang kasiyahan ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano sa ‘mabuting kalooban’ ng gobyerno ng Indonesia.

 

 

Aniya, nagsasagawa na ng pag-uusap ang magkabilang panig kaugnay sa detensyon ni Veloso sa oras na dumating na ito sa Pilipinas. (Daris Jose)

 

Other News
  • ‘It’s now or never’ ang drama ng dating Miss World PH: MICHELLE, kumpirmado na ang pagsali sa ‘2022 Miss Universe Philippines’

    CONFIRMED na ang pagsali ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa Miss Universe Philippines.     Sa kanyang Instagram, pinost ni Michelle, ang kanyang palabang larawan para sa pagsali sa 2022 Miss Universe Philippines.     “It’s now or never,” caption pa niya na may hashtag na #DEEpataposanglaban at #forDEEuniverse.     Sa application […]

  • NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

    PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.     Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.     According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]

  • Putin nagbigay kay Macron ng katiyakan na hindi iinit ang tensiyon sa Ukraine

    NAGBIGAY  na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine.     Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya.     Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang […]