• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pogoy kinilala ng FIBA

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas player Roger Ray Pogoy na napansin ito sa international arena at nabigyan pa ng titulo bilang most improved players ng FIBA.com.

 

Ayon sa FIBA, hinirang nila si Pogoy base sa statistic record nito sa FIBA Asia Cup 2017 hanggang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers first window noong Pebrero.

 

Base sa record ng FIBA, sa unang windows ay kumamada ito ng average na 16 points at anim na rebounds sa loob ng 22.8 minutes na paglalaro.

 

Nagpakita umano ito ng improvement mula sa average na 7.0 points at 3.5 rebounds sa 2017 FIBA Asia Cup.
Sinabi ng FIBA na isa si Pogoy sa itinuturing na malaking tulong sa depensa na kayang magpuntos at mahalaga sa Gilas at maikukumpara sa kapwa Gilas player na si Jayson Castro.

 

Bukod kay Pogoy, hinirang din most improved players sa Asya sina Muin Bek Hafeez ng India, Hassan Abdullah ng Iraq, Maxim Marchuk ng Kazakhstan, Jordan Ngatai ng New Zealand, Abdelrahman Yehia Abdelhaleem ng Qatar at Abdulwahab Alhamwi ng Syria.

Other News
  • Higit 17 milyong SIM cards, nairehistro na; registration hanggang Abril 26

    UMAABOT  na umano sa mahigit 17 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa bansa.     Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), hanggang Enero 10, 2023, umaabot na sa mahigit 17 milyon ang rehistradong SIM cards.     Ito ay 10.13% anila […]

  • Sea travel sa Northern Luzon suspendido dahil sa bagyong Julian

    SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel nitong Lunes ng umaga, Setyembre 30 sa northern Quezon dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Julian.     Inanunsyo ng PCG station sa bayan ng Real ang suspensyon ng biyahe sa lahat ng sasakyang dagat na maglalayag sa nasabing ruta sa kani-kanilang lugar dahil na […]

  • PBBM, itinalaga si Richard Fadullon bilang bagong NPS chief

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si prosecutor Richard Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).   Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagretiro mula sa kanyang tungkulin noong Oktubre matapos ang limang taon sa serbisyo.   Bago pa ang kanyang appointment, si Fadullon ay nagsilbi bilang senior deputy state […]