• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Huwag kang pa-victim’, pahayag ng mambabatas kay VP Sara Duterte

TINAWAGAN ng pansin ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City si Vice President Sara Duterte sa kalkuladong estratehiya nitong pag iwas para maiwasan umano ang accountability sa alegasyon ng misuse ng P612.5 milyong confidential funds na nakalaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamunuan.

 

 

“Huwag kang pa-victim. Tama na ang pambubudol. The Vice President should stop using her staff as human shields. It is about time she face Congress, answer the questions and stop blaming others for her failures and fear of accountability,” ani Dalipe.

 

 

Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ni Duterte na hindi dapat gisahin ang kanyang mga staff at officials, na hindi naman mga pulitiko, dala ng confidential funds.

 

 

“The Vice President has been hiding while letting her staff take the heat. This is pure cowardice disguised as victimhood,” dagdag ni Dalipe.

 

 

nakapagsagawa na ang House Committee on Good Government and Public Accountability, o kilala bilang House Blue Ribbon Committee, ng anim na pagdinig para imbestigahan ang kywestiyonableng paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

 

 

Sa kabila ng bigat ng isyu, isang beses lamang dumalo si VP Duterte kung saan noong una ay tumanggi itong manumpa, nagbasa lang ng preparadong statement, at umalis ng walang tugon sa pagtatanong ng mga kongresista.

 

 

“After six hearings, why has she refused to appear again? Instead, she sends career officials who have no personal knowledge of how these funds were used,” pahayag pa ni Dalipe.

 

 

 

(Vina de Guzman)

Other News
  • Isang milagro para sa kanilang pamilya: AUBREY, binalita ang magandang pagbabago sa anak nila ni TROY na si ROCKET

    MASAYANG nagkuwento si Aubrey Miles sa magandang pagbabago sa anak nila ni Troy Montero na si Rocket matapos ang ilang buwan na gamutan at therapy.       Isa nga raw itong milagro para sa kanilang pamilya.       Sa Instagram post, nagbigay ng update si Aubrey tungkol sa kanyang anak na mayroong autism […]

  • Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras

    Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP).     Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career.     At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras.     Nais ni […]

  • 40-45 million Pinoy, hindi pa naturukan ng booster shot ayon sa DOH

    HUMIGIT -kumulang 40 hanggang 45 milyong Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang unang booster shot ng mga bakuna laban sa Covid-19.     Inihayag ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na mahigit 20 milyong Pilipino sa ngayon ang nakakuha ng kanilang unang booster dose.     Kabilang sa mga dahilan ng mabagal […]