• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects timbog sa higit P.2M droga sa Navotas

KULONG ang anim na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kina alyas “Rendol”, 33, at alyas “Ranie”, 57, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illega drug activities ng mga ito.

 

 

Dakong alas-12:47 ng hating gabi nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek matapos umanong bintahan ng shabu ang isa nilang kasama na nagpanggap na buyer sa M Naval St., Brgy. San Roque.

 

 

Ayon kay Capt. Luis Rufo Jr na nanguna sa operation, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 10.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P69,836.00 at buy bust money.

 

 

Alas-2:56 ng madaling araw nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa M. Naval Street Barangay Bangkulasi sina alyas “Memel”, 24, fisherman at alyas “Hector”, 30, construction worker.

 

 

Nasamsam sa kanila ang aabot 11.13 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P75,684.00 at buy bust money.

 

 

Sa Badeo 4 Street, Brgy. San Roque, nadakip ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation din dakong alas-12:29 ng madaling araw sina alyas “Cris”, 52, at alyas ‘Ar-ar”, 32, kapwa ng lungsod. Nakumpiska sa kanila humigi’t kumulang 10.16 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P69,088 at buy bust money.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Unang Ginang Liza Marcos nasa Pinas, walang katotohanan na pinigil ng US authorities

    ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.   ”There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,” ang sinabi ni Castro.   Sinabi ni Castro na dumating ng […]

  • HOTEL NA ISOLATION SITES, DADAGDAGAN

    PLANO  ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang  mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) .     Sinabi ni Health Undersecretary and Treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa […]

  • BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA

    PATULOY na nadaragdagan  ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.   Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa […]