• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM at TRUMP, hindi napag-usapan ang mga Filipino na ilegal na nananatili sa Estados Unidos

HINDI NAPAG-USAPAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US President-elect Donald Trump ang tungkol sa mga Pinoy na ilegal na nananatili sa Amerika.

 

Nagkausap kasi sina Pangulong Marcos at Trump sa telepono bago pa pumunta sa Virac Sports Complex sa Barangay Francia sa Munisipalidad ng Virac, Catanduanes ang una para mamahagi ng government assistance para sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Pepito.

 

“We didn’t talk about that, it was just a congratulatory talk, but of course our ambassadors are already working on it,” ayon sa Pangulo.

 

“Kaninang umaga kaya’t nadelay itong lakad na ito, because i was able to schedule a phone call with president elect Donald Trump, at nakausap ko siya, at kaninang umaga, naaalala naman niya ang PH,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tinukoy si Trump na nakausap niya sa telepono.

 

Sa ulat, binigyan-diin ni Trump sa kanyang victory speech na isasara niya ang borders ng US at magpapatupad ng mas mahigpit na batas laban sa mga illegal alien.

 

“We gonna have to seal up those borders, we are gonna have to let people come into our country. We want people to come back in, but they have to come in legally… We are gonna start by putting America first,” ayon kay Trump.

 

Pinayuhan naman ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez ang mga Pinoy na ilegal na nananatili sa Amerika na huwag na nilang hintayin na ma-deport matapos manalo sa katatapos na halalan doon si Trump.

 

Ayon sa opisyal, 99% ang posibilidad na hindi na papayagang makabalik ng US ang mga ipinapa-deport.

 

Ayon kay Romualdez, maaaring makipag-ugnayan sa attaché mula sa Department of Migrant Workers at Philippine Embassy sa Washington ang Pinoy na illegal na nasa US.

 

Gayunman, “payo” lang umano ang tanging maibibigay ng mga ahensiya sa kanila.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Pangulo na hindi siya kundi ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos ang kaibigan ni Trump.

 

“Kilalang kilala niya mother ko. Kinakamusta niya, “How’s Imelda?” ang sabi ko binabati ka nga,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Pinag-usapan din aniya nila ni Trump ang samahan at alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

“I expressed to him our continuing desire to strengthen that relationship between our two conuntries which is a relationship that is as deep as it could possibly be. Because it has been for a very long time,” aniya pa rin.

 

Ipinaalala rin aniya niya kay Trump na ‘overwhelmingly’ ay binoto siya ng mga Filipino sa Amerika.

 

“I’m sure, maalala niya ‘yon ‘pag nagkita kami at plano kong makipagkita sa kaniya as soon as i can, sabi niya siguro nasa white house na siya bago ako makapunta,” ang winika ng Pangulo.

 

Para sa Pangulo, ang kanilang pag-uusap ni Trump ay ‘a very good call, very friendly call, very productive.’ at Masaya aniya siya na nagawa ng Paulo ang lahat ng ito sabay sabing “I think President-elect Trump was happy to hear from the Philippines.” (Daris Jose)

Other News
  • “Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin” -Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS- “Wala tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.”     Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa niya […]

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]

  • Ads July 19, 2021