Laban sa New Zealand sa FIBA Asia, malaking hamon sa Gilas – Brownlee
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na magiging mabigat kaagad ang magaganap na unang laro ng Gilas sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21, sapagkat makakatapat nila ang New Zealand ayon kay Justin Brownlee.
Ang makakalaban nilang team na Tall Blacks ang matatandaang tumalo sa team ng Pilipinas noong nakaraang taon sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers na tinambakan ng puntos sa iskor na 106-60.Streaming service
Dahil dito, nagsimula nang magpahinga si Brownlee mula sa sunod-sunod na paglaro sa ibang liga upang makapaghanda sa nalalapit na laban ng Gilas sa susunod na linggo.
Dagdag pa niya, magiging mahirap ang bakbakan kaya ihahanda niya ang katawan at gagawin ang buong makakaya para sa bansa.
-
Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro
Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving. Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials. Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles. Matapos ang pahingi ng paumanhin ni […]
-
Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill
HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig. Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa […]
-
Maiintindihan ng JulieVer fans na hindi si Julie Anne: RAYVER, first time na makatatambal si JASMINE sa isang serye
SI Jasmine Curtis-Smith ang makatatambal ni Rayver Cruz sa bago niyang teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’ “Si Jas, lagi ko naman nakakasama, lagi kong nakikita si Jas sa mga events, and sa mga guestings, ‘pag may gathering ng mga artists pero first time, first time to work with her kaya nakaka-excite,” […]