PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas.
“The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.
Habang nasa Gulf State, makakapulong ng Pangulo ang kanyang counterpart na si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.
Inaasahan naman na may kasunduan na pipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa habang nakabisita ang Pangulo (Marcos).
Sa kanilang dako, sinabi ng PCO na sisimulan ni Pangulong Marcos ang one-day working visit sa Gulf state na may “a high purpose” na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Samantala, pinaliit na lamang ng delegasyon na kasama ng Pangulo sa byaheng ito “to the barest minimum” dahil nais ng Chief Executive na kagyat na bumalk ng Maynila para ipagpatuloy ang kanyang “personal supervision and inspection of the relief and reconstruction activities in communities devastated by six successive typhoons.” (Daris Jose)
-
LTFRB: Magkakaroon ng “recalibration” sa PUVMP
MAGKAKAROON ng “recalibration” sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan upang bigyan tuon ang mga problema at concerns ng mga nagrereklamong operators at drivers ng public utility jeepneyes (PUJs). Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz sa isang hearing sa committee ng transportasyon […]
-
ANGEL, ipinagtanggol si KRIS sa nag-aakusa na may kinuhang Marcos jewels
IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin ang kaibigan niya na si Kris Aquino tungkol sa akusasyon na nasa possession nito ang ilang Imelda Marcos jewels. Sabi ni Angel kay kanyang IG post, “She can afford to buy her own jewelry with her hard-earned money thank you very much.” Kasama sa post ang ini-report ng Inquirer […]
-
Executive branch, may malaking papel sa pagkaka-aresto sa magkapatid na Dargani
SINABI ng Malakanyang na kailangan ding bigyan ng kredito ang Executive department sa pagkaka-aresto sa Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Senate security personnel sa Davao City. Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives ang magkapatid na Dargani. Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa […]