DOTr: Istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ng LRT 1 Extension malayo sa airport
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ng Department of Transportation (DOTr) na ang bagong bukas na Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) Cavite Extension na may istasyon sa Ninoy Aquino Avenue ay walang derechong koneksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa ginawang konsiderasyon sa right-of-way ng tinatayo pa ito.
Mayroon limang bagong istasyon ang LRT 1 Cavite Extension Phase 1. Ang mga sumusunod na istasyon ay ang mga ito : Redemptorist-ASEANA, MIA Road, Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos.
Ang istasyon sa PITX ay may walkway papuntang bus terminal habang ang istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ay walang walkway na may layong dalawa (2) hanggang apat (4) na kilometro sa NAIA.
Ayon naman kay DOTr undersecretary Jeremy Regino na ang estasyon sa Ninoy Aquino Avenue ay siya ng pinakamalapit na lugar at “most technically viable” upang itayo ang nasabing istasyon sapagka’t mayroon ilog sa pagitan ng istasyon sa Ninoy Aquino Avenue at ng airport.
“Before you reach the site of Ninoy Aquino station, there is a river. Thus, a station could not be built because the commuters would not have a place for unloading and loading. That location now is the nearest that we could built it and if you move it closer, it would be on the river already,” saad ni Regino.
Dagdag pa ni Regino na ang train alignment o ruta mula sa istasyon ng PITX papuntang istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ay ginawang nasa itaas ng ilog at kaya kung gagawin naman sa ibang ruta ay maraming maapektuhan na kabahayan at imprastruktura na gigibain.
Pinag-aaralan pa ng DOTr ang isang posibleng solusyon sa problema ay ang pagtatayo ng monorail shuttle train na magdudugtong sa istasyon ng Ninoy Aquino Avenue at NAIA Terminal 1.
“A battery-operated or electric that is using rubber wheels is possible and not the traditional with railroad tracks. It would be like the one in Hong Kong Disneyland,” dagdag ni Regino.
Sinabi naman ng LRMC na sila ay nakikipag-usap sa mga transport operators at ibang lokal na pamahalaan sa mga karatig na lugar na kung maaari ay magbigay sila ng shuttle service para sa mga pasahero na baba at sasakay papuntang airport.
Noong unang araw ng operasyon ng LRT 1 Cavite Extension ay nakita ng LRMC na madaming foot traffic sa istasyon ng Redemptorist-ASEANA at Dr. Santos sa Paranaque.
Binigyan naman ng kasiguraduhan mula sa LRMC ang mga pasahero na halos lahat ng kanilang trains ay bago at madami upang maging sapat para mabigyan ng serbisyo ang madaming pasahero na gumagamit ng LRT 1 Extension.
Ang LRT 1 Cavite Extension ay isang proyekto sa rail na nagdudugtong mula sa istasyon ng Baclaran papuntang istasyon ng Dr. Santos sa Sucat, Paranaque na makakabawas ng travel time mula sa dating isang oras na magiging 20 minuto na lamang.
Maaari nang maglakbay ang pasahero ng derecho mula sa estasyon ng Fernando Poe Jr. sa Quezon City papuntang Paranaque sa halagang P45.00 at kulang-kulang na isang (1) oras na travel time.
Ayon sa projection, maseserbisyuhan nito ang karagdagang 80,000 na pasahero kada araw mula sa kabuuang 323,000 na pasahero sa ngayon.
Dahil marami na ang sasakay dito kung kayat inaasahang magluluwag na ang trapiko sa southern part ng Metro Manila. LASACMAR
-
Ads May 22, 2024
-
Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela
PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation. Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal […]
-
Naganap ang intimate wedding ceremony sa Northern Ireland: GLAIZA, nanggulat dahil ikinasal na rin pala kay DAVID noong October
NASORPRESA ang netizens na sumusubaybay sa Valentine’s Day celebration ng Kapuso Mo Jessica Soho, last Sunday, nang aminin ni Kapuso actress Glaiza de Castro na married na siya sa Irish businessman na si David Rainey. Kinasal sila last October, 2021 nang bumalik sa Ireland si Glaiza, na sabi niya ay for a vacation […]