Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.
Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.
Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay tiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa Top Two sa Group B na siyang kailangan para makaabot sa torneo sa buwan ng Agosto.
Mayroong apat na panalo at wala pang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Hong Kong 93-54 nitong linggo sa Mall of Asia Arena.
Pasok rin ang New Zealand Tall Blacks ng talunin nila ang Chinese Taipei at makuha ang record na 3-1.Streaming service.
Sa susunod na taon na torneo ay nais ng Gilas na ma-improve ang kanilang ika-siyam na puwesto noong FIBA Aisa Cup sa Jakarta noong 2022.
Tatangkain ng Gilas Pilipinas na agawin ang korona sa Australia na siyang defending Asia Cup champion.
Kasama ring nakapasok sa FIBA Asia Cup ang Japan at ang Saudi Arabia bilang host country.
-
PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak. Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas. Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at […]
-
Nalungkot na ‘di na ito na-witness ni Direk Marilou: CESAR, naluha nang mapanood ang restored version ng ‘Jose Rizal’
HINDI napigilan ng batikang aktor na si Cesar Montano na maluha matapos panoorin ang digitally restored and remastered version ng ‘Jose Rizal’, ang pelikulang pinagbidahan niya noong 1998 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theatre. “This movie was released about 26 years ago, hindi ko akalain na mapapaiyak pa rin ako, e. Sobra, sobrang […]
-
45 BI personnel, sinibak sa serbisyo
IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni […]