COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.
Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.
Kasunod ito ng ulat ng record-breaking na pagtaas ng kaso ng COVID sa magkasunod na araw, 2,434 noong Linggo at 2,099 noong Lunes. Habang kahapon ay naitala naman sa 1,540 ang bagong kaso o 47,873 cases.
“Our current trajectory is quite high since we went under general community quarantine, it looks like we will reach at least 65,000 by the end of July,” pahayag ni David
Batay sa mga researchers, posibleng umabot sa 25,000 infections ang maitala mula June hanggang July pero maaaring tumaas pa ng mahigit 35,000 mula July hanggang Agosto.
Bunga nito, inerekomenda ni David sa pamahalaan na higpitan pa ang mga borders at ilayo ang mga taong kumpirmadong positibo sa COVID at gamutin sa isang pasilidad at huwag payagan ang mga itong mag-home quarantine.
Kailangan din anya ang patuloy na mass testing sa bansa.
Tinaya naman ng DOH na makakapagsagawa sila ng testing sa may 1.63 milyong Pinoy o 1.5 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng Hulyo. (Ara Romero)
-
LTFRB nagbukas ng 106 PUV routes para sa libreng sakay
NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 106 na public utility vehicles (PUVs) na ruta sa Metro Manila at Rizal para sa libreng sakay ng mga pasahero. Ang mga nasabing PUV na ruta na may libreng sakay ay ang nasa lugar ng Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa […]
-
Sa ika-50 edisyon ng taunang Metro Manila Film Festival: VIC, VICE at PIOLO, nagbabalik dahil pasok ang kanilang movies
IPINAGDIWANG ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng golden jubilee noong Hulyo 16. 2024, na may engrandeng paglulunsad ng ika-50 edisyon na may temang ‘Sine-Sigla sa Singkwenta.’ Itinampok ng espesyal na kaganapang ito ang makabuluhang kontribusyon ng MMFF sa lokal na pelikula. at entertainment industry, gayundin ang papel nito sa pagpapalakas ng […]
-
Hinaharang daw para paboran si Vilma: Fans ni NORA, ‘di matanggap na nakapasok ang ‘Uninvited’ sa 50th MMFF
TUWANG-TUWA ang mga Vilmanians dahil napasama sa sampung MMFF entries para sa taong ito ang pelikulang “Uninvited “ Ang nasabing movie ay pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre. Siyempre bukod sa grupo ng VSSI na pinamumunuan nina Jojo Lim ay isa sa very much […]