• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara kumasa sa psychiatric exam

Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kahandaang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric at drug tests kung sasailalim din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa drug test.

 

 

 

Ayon kay Duterte, batid niyang marami ang nagsasabing baliw siya at wala sa tamang pag-iisip kasunod na rin ng kanyang mga aksiyon at pahayag laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Aniya, handa naman siyang sumailalim sa anumang pagsusuri kung magpapa-drug test din ang mga opisyal ng pamahalaan.

 

“Sinabi nila na ako daw ay krung-krung. Ako daw ay baliw. Ako daw ay wala sa tamang pag-iisip. Ano ba ang sabi ko sa lahat? Psychological test? Kahit ano ‘yan. Neuropsychiatric test? Kahit ano pang test yan, gagawin ko ‘yan. Dagdagan ko pa nang drug test,” ani VP Sara. “Pero dapat magpa-drug test ang lahat ng nagtatrabaho sa Office of the President, Office of the Vice President, sa lahat ng opisina ng Senado, sa lahat ng opisina ng House of Representatives, sa lahat ng departamento ng ating bayan, ng ating pamahalaan.”

 

 

Hamon pa niya, “Magpa-drug test tayong lahat sa harap ng taong bayan.”

 

 

Iginiit ng bise presidente na dapat na ­ipakita ng pamahalaan sa taumbayan na matino ang mga opisyal ng ­gobyerno, sa pamamagitan ng pagpapasuri.

 

Umapela rin siya sa kanyang mga taga­suporta na manatiling kalmado upang maiwasan ang kaguluhan. “Ayaw natin ng kaguluhan. Peaceful assembly at freedom of speech ang ating hangad.” (Daris Jose)

Other News
  • Kinilig ang netizens sa viral videos: ALDEN, sinurpresa si KATHRYN bitbit ang regalo at malalaking bulaklak

    PINAG-UUSAPAN at nag-viral na naman ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos na kumakalat ang video nila sa isang event.     Ilang mga X users na nag-upload ng video kina Kathryn at Alden na kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres. […]

  • Ads August 24, 2024

  • 15% senior discount sa kuryente, tubig

    LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento  ng mga senior citizen na may  bayarin sa tubig at kur­yente.     Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]