• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drive thru at pick-up sa lahat ng supermarket, iminungkahi

Iminungkahi ni ACT-CIS Party List Rep. Niña Taduran ang pagtatayo ng drive through at pick-up service sa lahat ng mga supermarket sa bansa upang mabawasan ang pagkakalantad ng publiko sa Covid-19. 

 

“Speaking not as a lawmaker but as a homemaker who has the task of making regular grocery runs, I sympathize with the people standing in line for their turn to enter the supermarket,” ayon sa mambabatas.

 

Paliwanag nito, kahit na may physical distancing sa pila ay may pangamba pa na mahawa dahil sa panahon na itinatagal sa pila, na minsan ay inabot pa ng isang oras.

 

May una nang panukala mula kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na magkaroon ng drive through services para sa lahat ng frontline services ng PNP tulad ng gun registration at vehicle clearances para mabawasan ang exposure sa naturang sakit.

 

“Taking the cue from the PNP,  I thought it was a good idea to implement the same for daily essentials like grocery shopping as well” ani Taduran.

 

Aniya, mas magandang bumuo ng isang online portal ang mga may-ari ng supermarket kung saan mamimili ng kanilang bibilhin ang publiko at puwedeng doon na rin nila bayaran online ang kanilang pinamili. Makaraan ito at kukunin na lang ng mamimili ang kanilang pinamili sa drive thru na nakaayos na.

 

Ang mga wala namang sariling sasakyan ay maaaring kunin ang kanilang pinamili sa counter ng grocery store na nakahanda na rin. Sa pamamagitan nito ay mababawasan  ang mahabang panahon ng paghihintay para lang makapasok sa tindahan at makapili ng kanilang bibilhin.

 

“Tanggapin na natin na ganito na ang ‘new normal’ and the only thing we can do to save ourselves from Covid is to adapt”, pagdidiin ni Taduran.

 

Ayon pa sa mambabatas, hindi na kailangan ng batas para ipatupad ito. Ang kailangan lang aniya ay ang kooperasyon ng mga may-ari ng supermarket sa buomg bansa.

 

Maaari rin aniyang makatulong ito sa pagsulong ng ekonomiya dahil mas magiging madali na para sa mga taong bumili ng produkto. Dahil dito, ang mga tao ay mas maengganyong bumili tulad ng nangyari sa dumaraming online retailers.  (Ara Romero)

Other News
  • MSMEs, makakakuha ng P1.2-B fund assistance sa ilalim ng 2023 budget

    INANUNSYO ng  Department of Budget and Management (DBM) na may kabuuang P1.2 bilyong piso ang magpopondo sa iba’t ibang programa ng gobyerno para palakasin ang  micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ilalim ng national budget ngayong taon.     Sinabi ng DBM na ang mga programang ito ay bahagi ng  MSME Development Plan at […]

  • Ads June 9, 2022

  • Jordan Peele Reinvents the Sci-Fi Horror Genre in ‘Nope’

    FILMMAKER Jordan Peele, also known for Get Out and Us that disrupted and redefined the horror genre, reinvents the sci-fi horror genre this time in his latest film Nope.   Shot with large-format and IMAX cameras, Peele, along with the film’s director of photography Hoyte Van Hoytema (whose work includes Christopher Nolan’s Dunkirk and Tenet) […]