Planong online civil service exams matutupad – Palasyo
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
TIWALA ang Malakanyang na maisasakatuparan ng Civil Service Commission (CSC) ang plano nitong online civil service exams.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nagkakaisa sila sa CSC sa planong online exam bilang pagsabay sa new normal ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi nj Presidential Spokes- person Harry Roque, hindi dapat maging hadlang ang sinasabing problema sa internet connectivity.
“Kaya po iyan. Kakayanin po natin iyan. Kung kinakailangan nating kalampagin ang mga [telecommunications] company, gagawin po natin iyan,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, nagpaalala na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga telecom companies na ayusin ng mga ito ang kanilang serbisyo lalo na at maraming umaasa sa internet ngayong panahon ng pandemya.
“Kulang daw ang telecoms tower. Ginawa ni Presidente… So wala na pong magiging dahilan ang telecoms company kung hindi nila ma-improve iyong ating telecoms facilities at connectivity,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Hindi aniya dapat maghintay lang ng bakuna laban sa coronavirus bago bumalik ang mga tao sa kanilang normal na buhay.
Kinakailangang gamitin ang teknolohiya lalo na’t marami ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis, at may mga bukas na posisyon at trabaho sa gobyerno. (Daris Jose)
-
ASSASSINS ALL-ABOARD THE NEW “BULLET TRAIN” TRAILER
THE end of the line is just the beginning. Watch the new trailer for Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, starring Brad Pitt, exclusively in cinemas across the Philippines August 03, 2022. YouTube: https://youtu.be/Eku2gerbnMc About Bullet Train In Bullet Train, Brad Pitt stars as Ladybug, an unlucky assassin determined to do his job peacefully after one too […]
-
Clarkson hinirang na nba sixth man of the year
Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon. Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New […]
-
Top content creator sa YouTube: IVANA, ‘di nagpatinag at tinalbugan sina ALEX, TONI at VICE GANDA
SI Ivana Alawi pa rin ang maituturing ng reyna ng YouTube sa mga local celebrities. Dahil sa pangalawang pagkakataon, siya muli ang top content creator sa YouTube, ayon sa nilabas na listahan ng Google Philippines. Noong 2019 lang nagsimulang mag-vlog si Ivana, at last December 2020 ay siya nga ang nangungunang […]