• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mambabatas , nanawagan sa DBM na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensiya na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu para pondohan ang operasyon ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ang apela ay ginawa ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman kasunod ng pinal na pagdedeklara ng Supreme Court sa hindi pagsama ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

“Hindi maaaring maantala ang mga serbisyong ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na tiyakin ang pondo para sa lalawigan. Karapatan ito ng bawat mamamayan sa Sulu mula sa national government,” ani Hataman.

 

Una nang nagdesisyon ang SC sa ilang motions for reconsideration para exclusion ng Sulu mula sa BARMM.

 

Ayon kay Hataman, ang hindi pagkakasali ng Sulu sa BARMM ay nangangahulugan na ang national government ang may direktang responsibilidad para sa paglalaan ng pondo dito.

 

Sa ikalawang pagdinig para sa panukalang paglilipat ng BARMM elections mula 2025 sa May 2026, sinabi ni Hataman sa DBM na maghanap ng paraan upang makapaglaan ng pondo sa Sulu, na nasa tinatayang P9 billion base sa datos mula sa ilang opisyal ng BARMM.

 

Dahil hindi isinama ng SC ang Sulu sa BARMM sa desisyon nito kamakailan, ay walang pondo para sa Sulu a ilalim ng panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025.

 

Sinabi ni Hataman na ang mga serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkabuhayan ay dapat magpatuloy nang walang pagkaantala, kasama na ang pa-suweldo sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.

 

“Kailangang planuhin nang maayos ang proseso ng transisyon. Malaki ang epekto ng exclusion ng Sulu sa BARMM, kaya kailangan itong tutukan,” dagdag ni Hataman .

 

Dapat din aniyang mag-usap ang national at provincial government kung paano sosolusyunan ang problemang ito.

 

“Sana ay magkaroon ng plano ang gobyerno para siguruhin ang kapakanan ng mga taga-Sulu dahil walang pondo ang lalawigan sa 2025 proposed national budget,” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Other News
  • Magiging busy na uli sa paggawa ng movies at pag-awit… JANNO, nag-sorry sa mga followers dahil sa social at political postings

    NAG-SORRY si Janno Gibbs sa kanyang mga followers.       Ang dahilan, sa mga nakaraang buwan daw kasi, puro tungkol sa social at political ang mga postings niya.       Naging vocal din si Janno noong nakaraang election na ang sinuportahan niya ay si dating VP Leni Robredo. At tumanggap din si Janno […]

  • After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

    BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.     Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]

  • ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso

    NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5.     Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita […]