Mag-asawa, 3 pa tiklo sa higit P.4M droga sa Valenzuela
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang mag-asawa na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana, at marijuana oil vape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation, pati na ang tatlo nilang parokyano sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at marijuana oil sa kanilang mga parokyano ng mag-asawang sina alyas “Rey”, 45, (HVI) at alyas “Daisy”, 45, kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang ulat, bumuo ng team si Lt. Col, Sales sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-asawa sa loob mismo ng kanilang bahay sa Ilang-Ilang St. Brgy. Maysan dakong alas 10:10 ng gabi.
Kasama ring dinakip ng mga operatiba ng DDEU sina alyas “Bhoy”, 44, alyas “Mak”, 33, at alyas “Angel” 40, pawang residente din ng naturang barangay nang abutan sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng mag-asawa na ginagamit din umano bilang drug den.
Ani Capt. Pobadora, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 60 gramos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000.00, 17.97 gramo ng pinatuyong dahon na marijuana na may katumbas na halagang P2,156.00, suspected marijuana oil vape na nagkakahalaga ng P21,000, iba’t-ibang uri ng drug paraphernalia, weighing scale at ang P4,500 na mark money na may kasamang boodle money na ginamit sa buy-bust operation.
Pinapurihan naman ni NPD Director Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN
Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network. Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang […]
-
Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025
Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon. Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand. Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay […]
-
Administrasyong Marcos, nalampasan ang 2022 revenue target ng 2.2%
NALAMPASAN na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang revenue target para sa 2022 ng 2.2%. Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS), tinukoy ang report ng Department of Finance (DOF). Sinabi ng OPS na ang lumabas na revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) […]