Bigtime ‘tulak’, 3 pa kalaboso sa P23.2 milyong shabu sa Caloocan
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P23 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.
Matagumpay na naisagawa ang buy bust operation ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, matapos umanong kumagat sa pakikipag-transaksiyon ang pangunahing suspek na si alyas “Abdul”, 41, (HVI), tubong Marawi City, at residente ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay Col. Doles, nakipagkita umano ang suspek sa isang operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagpanggap na buyer dakong alas-12:15 ng madaling araw sa King Faisal St, Phase 12, Barangay 188, nang maisara ang kanilang transaksiyon sa pagbili ng shabu na nagkakahalaga ng P26,000.00.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng ibinebentang shabu, dito na siya dinamba ng mga naka-antabay na tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables.
Kasama ring dinakip ng mga operatiba ng SDEU sina Alyas “Oding”, 40, alyas “Vics”, 33, at alyas “Tata”, 39, pawang residente ng Brgy. 188 ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Doles na aabot sa 3,420 gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P23,256,000.00 ang nakuha sa mga suspek, pati na ang buy bust money na isang genuine P1,000 at 25-pirasong P1,000 boodle money, bag pack at P1,250 recovered money.
Ani Lt. Mables, nasampahan nila ng mga kasong paglabag sa Section 5 (selling), 11 (possession) at 26 (conspiracy) sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni NPD Director Ligan si Col. Doles at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek dahilan para mapigilan aniya na maipakalat ng mga ito ang naturang mga droga. (Richard Mesa)
-
71% ng Metro Manila commuters tutol sa taas pasahe
MADAMI ang tutol na mga pasahero na nakatira sa Metro Manila ang tutol sa gagawing pagtataas ng pasahe ng mga pampublikong jeepneys (PUJs) na tinatayang may 70 porsiento ng kabuohang bilang ng mga pasahero. Ito ay ayon sa ginawang survey na ginawa ng transport advocacy na The Passenger Forum (TPF) mula Sept. […]
-
Lady Eagles sisimulan ang title defense vs Lady Spikes
SISIMULAN ng reigning champion Ateneo de Manila University ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa De La Salle University sa pagsisimula ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan inaasahang dudumugin […]
-
Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte
NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China. Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls. “The national […]