Kontra Abuso ng Kongreso
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
ANG GRUPONG ‘Kontra Abuso ng Kongreso” ay ang nabuo upang bantayan at kontrahin ang sinasabing pang-aabuso ng Kamara de Representantes sa mga resource persons na kanilang iniimbita para imbestigahan.
Ayon “Kontra Abuso ng Kongreso”, dapat nang kwestunin ang mga mambabatas sa kanilang mga ginagawang pagtrato sa kanilang mga panauhin para naman maprotektahan ang karapatang pantao ng mga resource persons or guests ng House of Representatives (HOR). laban sa dinaranas na kahihiyan sa kamay ng ilang myembro ng HOR.
Ang ‘Kontra Abuso ng Kongreso, ay binubuo ng mga samahan tulad ng SwordAFP, Manibel, National Public Transport Coalition, United TNVS, I.B.A.N.A.G, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), at Laban TNVS.
Ayon sa lead convenor ng grupo na si Atty. Ariel Inton, hindi naman sila kontra sa kalahatan ng HOR kundi doon lang sa tila inaabuso na ang pribilehiyo na kaloob sa isang mambabatas.
Iginiit ng grupo na samantalang ang Kongreso ay may kapangyarihan na magpatawag ng pagdinig o imbestigasyon, ayon sa Korte Suprema ay hindi lahat ng isyu ay pwedeng panghimasukan ng HOR, at malinaw na isinasaad sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, na ang mga ipapatawag na mga pagdinig o imbestigasyon ay dapat lang gagamiting suporta o impormasyon para sa pagbabalangkas ng mga batas.
“Ang ibig sabihin nito at dapat munang may pahayag na panukalang batas bago mag imbestiga, na dapat malinaw na nakalathala ang mga patakaran ng pagdinig at dapat protektado ang karapatan ng mga imbitadong resource persons,” paliwanag ni Inton.
Ginawang halimbawa ni Inton ang kanyang karanasan nang minsan ay maimbitahan bilang guest sa inquiry ng HOR. Inihayag ni Inton na nakaranas din sya nang panghihiya mula sa mga Representatives ng Congress at napagbantaan na “will cite you in contempt” dahil ang kanyang naging mga pahayag ay taliwas sa sa gustong marinig ng mga mambabatas.
Patuloy pa ni Inton, Ilan nang mga government at private officials ang napanood natin sa TV na nakaranas ng pangi-insulto ng mga Kongresman at ginawang katatawanan sa gitna ng sinasabing legislative inquiry.
Samantala, anong mga batas ba ang naipasa bilang resulta ng mga pangaalipusta at pangbabastos na dinanas ng mga resource persons.
Sabi ni Inton dati ay iho-hold lang ang resource person na na-contempt sa compound ng Kongreso, ngayon sa kulungan na talaga ang bagsak at parang tinatrato na agad na parang kriminal.
Gustong ipaalala ng grupong ‘Kontra Abuso ng Kongreso’ na hindi dapat umastang mga prosecutors ang mga mambabatas o mga parang mga Judge dahil hindi korte ang Kongreso.
Oo at maaari silang magimbestiga pero ito ay para suporta sa batas na kanilang binabalangkas at kung wala silang batas na binabalangkas, walang silbi ang mga imbestigasyon na parang telenovela lang na pinapanood at minsan ay pinagtatawanan na ng mga tao. (Atty. Ariel Inton)
-
Nangunguna pa rin sa local TV show noong Agosto: ‘KMJS’ ni JESSICA, nakakuha ng finalist spot sa 2023 Asia Contents Awards
HIGIT pa sa pangingibabaw sa on-air at online, ang multi-platform leader at multi-awarded GMA Public Affairs show na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)’ ay patuloy na itinataas ang bandila ng Pilipinas, dahil nakakuha ito ng finalist spot sa 2023 Asia Contents Awards (ACA) at Global OTT Awards. Karagdagan ito sa mahabang listahan ng […]
-
Fighting Maroons, haharabas sa abroad
SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]
-
Pope Francis emosyunal na humingi nang tawad sa mga katutubo sa Canada
BUONG pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya umano ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa […]