Disbarment kontra Bise Sara, inihain
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN na ng disbarment case ngayong umaga sa Korte Suprema si Sec.Larry Gadon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa kanyang paghahain ng reklamong disbarment na may kinalaman sa pagmumura at pagbabanta ni VP Sara laban kina Pang. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, hinamon ni Gadon ang SC na agad maglabas ng desisyon.
Ayon kay Gadon, maliwanag ang ginawang paglabag ni Duterte sa Cannon Law at Conduct of Ethical of Professional Responsibility bilang isang abogado.
Sinabi ni Gadon, dito masusubukan ang mga justices ng Korte Suprema na wala silang pinapanigan na inihalimbawa pa ang kanyang sarili na agaran siyang tinanggalan ng lisensiya bilang abogado matapos din siyang ireklamo ng disbarment ng kumalat ang video ng ginawa niyang pagmumura.
Sakaling hindi maglabas ng desisyon, handa si Gadon na sampahan ng impeachment ang mga justices kung saan maliban sa kaniyang reklamo ay may nakabinbin din sa Korte Suprema na isa pang disbarment ni VP Sara na may kaugnayan naman sa panununtok nito sa isang Sheriff noong siya ay alkalde pa ng Davao City.
Nauna nang inihayag ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Supreme Court na may natanggap na silang anonymous letter na pinapadisbar si VP Sara. GENE ADSUARA
-
PDu30, hindi ine-endorso si Robredo — Matibag
WALA ni isa mang presidential candidate na ine-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang kanyang “successor.” Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte sa nakalipas na linggo na nais niya na isang “compassionate, decisive, and a good judge of a person preferably a lawyer,” ang susunod na Pangulo ng bansa. Sa 10 presidential […]
-
NAVOTAS INILUNSAD ANG E-BPLS, E-BOSS PLATFORM
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) at Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) cloud-based platform. Ang virtual na paglulunsad ng programa ay pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, Union Bank of the Philippines Executive Vice President and Retail Banking Center Head, Mary Joyce Gonzales, at Landbank of […]
-
KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS
ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]