Weightlifters na mga tinuruan ni Hidilyn Diaz namamayagpag sa Batang Pinoy
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pamamayagpag ng mga weightlifters na sinasanay ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan.
Nanguna dito sa Adonis Ramos sa boys 16-17 55kgs. category kung saan nakamit nito ang kabuuang 185 kgs. lift .
Ilan sa mga kasama nito ay sina Maybell Riones sa girls 12-13 , 35 kg. class; Reyandine Marie Jimenez sa girls 12-13 , 40 kgs. class at Matthew Diaz sa boys 12-13 -43 kgs.
Ang mga ito ay nakahakot na ng apat na gold, anim na silvers at isang bronze.
Kasama ni Hidilyn ang asawa nitong si Julius na nagsasanay sa mga bata sa ipinatayo nilang gym sa Jala-Jala, Rizal.
Sinabi ni Naranjo, na siyang nag-training kay Hidilyn na nagkakaroon na interest ang mga kabataan na sumabak sa weightlifting mula ng magwagi ng gintong medalya si Hidilyn sa Olympics.
Ikinakatuwa rin nito ang pagdami ng mga kabataan ang sumasali sa weightlifting sa Batang Pinoy kumpara noong panahon niya na tanging siya lamang ang lumalahok kaya ito nakakakuha ng gintong medalya.
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]
-
Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa. Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya […]
-
Grizzlies sinibak ang Wolves
WINAKASAN ng Grizzlies ang kanilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos angkinin ang 114-106 panalo sa Game Six papasok sa Western Conference semifinal round. Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven semifinals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Golden State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at […]