Philippine mens’ football team nanawagan ng suporta sa nalalapit na ASEAN Cup
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAAGANG naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.
Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Habang mayroon din silang mga laro sa labas ng bansa gaya sa Lao National Stadium sa darating na Disiyembre 15 at makakaharap naman ang Indonesia sa Disyembre 21 na ito ay gaganapin sa Gelora Bung Karino Stadium.
Sinabi ni Freddy Gonzales ang Director of National Senior Teams for the Philippine Football Federation, na magagamit ng national team ang ilang mga natutunan nila sa mga nagdaang friendly games mula sa ibang mga bansa.
Sa darating naman na Disyembre 2 ay gaganapin ang national training camp nila at doon na maaring mapili kung sino ang pinal na mga isasabak.
Nanawagan ito sa publiko na suportahan ang Philippine team lalo na kapag ang laro ay gaganapin sa bansa.
-
Hollywood actor na si SAM NEILL, naging bukas na pag-usapan ang pakikipaglaban sa blood cancer
HINDI inakala ng ‘Drag Race Philippines’ Season 1 contestant na si Eva Le Queen na mabibigyan siya ng pagkakataong umarte sa isang teleserye. Kasama nga siya sa cast ng ‘The Write One’ ng GMA Public Affairs at Viu Philippines. Ikinatuwa pa ni Eva na binigyan daw siya ng creative freedom para […]
-
Para sa single at babae lang ang ‘Miss Universe’: GLORIA, ‘di pabor na makasali ang may asawa, may anak at transsexual
HINDI pabor si Gloria Diaz na makasali sa Miss Universe ang mga may asawa, may anak, at transsexual. Kauna-unahang Pilipinang Miss Universe si Gloria kaya may bigat ang kanyang opinyon o pananaw tungkol dito. “Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yun, di ba,” umpisang sagot […]
-
Ads January 11, 2024