• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa rin makapaniwalang may wax figure na: ANNE, kahilera nina BRAD at ANGELINA sa Glamor Zone ng ‘Madam Tussauds Hong Kong’

HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis sa bagong milestone sa kanyang career, matapos na i-unveil ang kanyang wax figure sa Madam Tussauds Hong Kong, na magsisimula nang makita ng kanyang fans sa December 9.

 

 

“I’m truly honored to be celebrating this moment, being immortalized by Madame Tussauds Hong Kong.

 

 

“Sobrang hindi ako makapaniwala na I was given this opportunity,” pahayag ni Anne sa isang interview ng ABS-CBN.

 

Sa wax figure ni Anne, kuhang-kuhang ang bawat detalye tulad ng kanyang nunal, makikitang binihisan elegant white gown at may hawak na microphone.

 

“Ganun din ako, sobrang tulala in disbelief,” kuwento pa niya.

 

“Parang ganito pala feeling na meron kang kakambal. Pati ilong, nunal, na-amaze ako kasi alam ko ‘yung process. Akala ko parang mummy na hihiga ka, pero hindi pala. Tumayo lang ako. I’m so amazed how precise! Kalokalike ko talaga!”

 

Gumawa rin ng history si Anne, dahil siya ang first Filipina actress and TV host na may wax figure naka-display sa prestigious Glamour Zone ng museum, na kung saan kahilera niya ang ang Hollywood A-listers tulad nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

 

“It’s an honor for me to be the first Filipina actress and TV host to be featured.

 

“I’m even more proud because I’m representing the Philippines alongside my fellow Filipinos like Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao, and Lea Salonga. This is a huge honor for me,” masayang tugon pa niya.

 

Excited din si Anne na ipakita ang naturang wax figure sa kanyang daughter na si Dahlia Amélie at may naisio na siya kung paano ito gagawin.

 

“Ang plano ko, mag-Hong Kong kami. Tapos hindi ko sasabihin sa kanya.

 

“Tingin-tingin doon para maka… you know, she might have to take a double look,” natatawa pang pagbabahagi ni Anne.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SSS, pinaalalahanan ang mga pensioners ng kanilang March 31 deadline

    PINAALALAHANAN ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga pensiyonado ng deadline para sa pagsunod sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) na nakatakda sa Marso 31, 2022.     “All pensioners who have not yet complied with the ACOP for the calendar year 2021 are required to do so on or before March 31, […]

  • ‘Di makapaniwalang 5 months na si Peanut: LUIS, pinagtripan na naman ang pagsasayaw ni VILMA

    ANG bilis ng panahon at five months old na pala si Isabelle Rose, ang first born ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola. Pinost ni Luis sa kanyang Instagram si Baby Rose na naka-pink ruffle dress at may number 5 sa tabi nito na puno ng bulaklak. “Happy 5th month our little Peanut,” caption ni […]

  • PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.     Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]