• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marijuana plantation, sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Marijuana plantation sa boundary ng La Union at Ilocos Sur sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal drug trade sa bansa.

 

 

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na katuwang ng ahensya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa nasabing pagsalakay.

 

Nag-ugat ang operasyon sa intelligence report na ang marijuana o cannabis sativa ay itinatanim sa boundary ng La Union, Ilocos Sur at Benguet.kung saan ang mga tanim na marijuana na ‘full grown’ o magulang na ay maaari nang anihin at handa na para sa distribusyon

 

Nang maberipika ng NBI-LADO sa pangunguna ni Atty. Sante B. Bonoan ang impormasyon at lokasyon ng Marijuana plantation sa Sugpon,Ilocos Sur ay agad na ikinasa ang operasyon ay inakyat ang bundok kung saan nakatanim ang mga marijuana.

 

Habang papalapit ang mga operatiba, tumakas ang mga magsasaka ng marijuana.

 

Pagtatantiya ng mga kinatawan mula sa PDEA , ang halaga ng marijuana ay nagkakahalaga ng P2,225,000.00.

 

Binunot at sinunog sa lugar ang mga marijuana ng pinagsanib na mga operatiba . GENE ADSUARA

Other News
  • Credit card scam may bagong modus – BSP

    MULING nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa credit card scam makaraang matukoy ang mga panibagong modus ng mga scammers sa kanilang mga biktima.     Paalala ng BSP na i-check kung may mga palatandaan ng scam tulad ng tatawagan ka ng nagpapanggap na kinatawan ng credit card company at sasabihin […]

  • PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar

    IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.     Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.     Ayon kay PNP Director […]

  • Poland, pinagtibay ang suporta para sa defense cooperation sa Pinas, pinanindigan ang int’l law

    SA pagdiriwang ng National Day ng Republic of Poland, muling inulit ng Embassy of Poland sa Pilipinas ang commitment ng Polish government na palakasin ang defense cooperation, panindigan ang rules-based order, at bigyang-diin ang kahalagahan ng international law sa loob ng rehiyon.   Sa pagsasalita sa naturang event, sinabi ni Anna Krzak-Danel, Chargeé d’Affaires a.i. […]