• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA

Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi.

 

Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte ang mga naiwang pinagpilian – napakaraming FB accounts ang laganap ngayon na tumatanggap ng booking na mga colorum na TNVS, hindi lang yung mga hindi pinayagan kundi pati na rin yung mga nais mag TNVS pero hindi nakapag-apply.

 

Instant kumpetensya ang mga ito sa mga TNVS na accredited ng app-based TNCs at ng mga lehitimong taxi drivers. Para sa amin sa Lawyers for Commutes Safety and Protection (LCSP),mapanganib sa driver at maging sa pasahero ang FB booking ng mga colorum na TNVS.

 

Hindi nga natin dapat tawaging TNVS ang mga ito kung hindi naman sila accredited ng TNC dahil mga simpleng ‘car-for-hire’ lang sila. Kamakailan ay may malagim na pangyayari sa isang babaeng driver na sa FB booking kumukuha ng pasahero.

 

Kailangan marahil ay tingnan na ito ng mga awtoridad bago pa lumala ang sitwasyon. Una ay ano nga ba ang basehan ng pagpili sa pinayagang pumasada kontra sa mga hindi pinayagan. Tambiolo ba ginamit o palakasan system na naman?

 

Dapat maipaliwanag ito. Kung nais nila ay limitahan ang mga TNVS sa panahon ng pandemya ay mukhang hindi nga nangyari dahil ang naging resulta ay mas pagdami pa ng colorum na car-for-hire sa pamamagitan nga ng FB bookings – walang nabawas na sasakyan sa lansangan.

 

Marahil tulad ng ibang sektor ng transportasyon dapat na rin payagan bumyahe ang mga lehitimong TNVS dahil may prangkisa naman sila. Kailangan na rin tingnan kung mainam na magbukas na rin ng TNVS sa ibang lugar na wala pa o dating meron pero ipinatigil. Tulad sa Bacolod na hindi pinarenew ng LTFRB ang mga TNVS doon – ang resulta, colorum operation. Option din ito na hanapbuhay para sa mga umuwing OFWs nating kababayan at sa mga nag-avail ng ‘balik-probinsya’ program ng pamahalaan.

 

Dapat may hanapbuhay sa probinsiya dahil kapag wala balik Maynila rin sila at magiging palso ang programa. Sa ngayon na hirap ang tao sa transportasyon ay didiskarte at didiskarte sila upang makabyahe at kumita para sa pamilya. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Ads July 6, 2023

  • Nasa mahigit 3,000 pasyente ang nabigyang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Emergency Medical Services (EMS) Teams

    SA ILALIM ng direktiba ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard J. Gordon ay nagtalaga ang PRC ng nasa 1,399 PRC EMS personnel, operating 127 first aid stations, at 97 ambulance units sa mga simbahan, highway, terminal, beaches, parks, pilgrimages, and mga bundok sa buong bansa mula Abril 10 (Palm Sunday) hanggang Abril 17 (Eastern […]

  • Mas maraming ayuda, suspended oil tax -PDu30

    SINABI ng Department of Finance (DOF) na ang ginawang pagbibigay ng ilang beses na cash aid sa gitna ng napakatagal na pandemya habang inalis ang oil taxes nang tumalon naman ang global prices sa pinakamataas na record nito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pumalo sa P15.4 trillion ang public debt ng Pilipinas […]