• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak, nalambat sa Navotas drug bust, higit P.1M droga nasabat

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities nina alyas “Rodalyn”, 23 at alyas “Buboy”, 38, kaya isinailalim nila ang mga ito sa monitoring.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek dakong alas-11:24 ng gabi sa M. Naval St., Brgy. San Roque.

 

 

Ani Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang nasa 10.29 grams ng hinihinalang shabu a may standard drug price value na 69,972.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Jose, alas-10:36 ng gabi sina alyas “Daniel”, 55, at alyas “Fetus”, 20, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.03 grams ng suspected shabu na may katumbas na halagang P69,204.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Navotas police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga pinuno ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng executive branch, kabilang na ang government-owned and -controlled corporations, na mahigpit na ipatupad at i- monitor ang pagsunod sa lahat ng health protocols sa kani-kanilang tanggapan.   Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes ang Memorandum Circular 86, […]

  • 17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na – DepEd

    INIULAT  ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa higit 17.9 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala na para sa susunod na pasukan.     Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas-7 kahapon, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 17,900,833 enrollees. […]

  • Boston Marathon may ilang pagbabago sa 2026

    May pagbabagong ipapatupad ang organizers ng sikat na Boston Marathon ang qualifying times sa darating na 2026.     Ayon sa Boston Athletic Association na dapat ang mga runners ay maabot ang 26.2-mile race na limang minutong mas mabilis kumpara sa mga nakaraang taon para makakuha ng numero.     Paliwanag ni Jack Fleming, pangulo […]