• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAKIBAHAGI SA BLOOD DONATION DRIVE SA CHINESE GENERAL HOSPITAL

Bilang isa sa mga unang salvo ng paggunita sa Blood Donors Month ngayong July 2020 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 (1997, President Fidel Ramos), gaganapin ang isang blood donation drive sa Chinese General Hospital College (CGH College) sa darating na July 11, 2020, araw ng Sabado mula ika-pito ng umaga hanggang ika-dalawa ng hapon.

 

Ang CGH College ay nasa F. Blumentritt Road, Santa Cruz, Manila, katabi ng CGH Medical Arts Building at kilalang landmark ang Manila North Cemetery.

 

 

Dahil sa lumalaking pangangailangan sa dugo, lalong-lalo at nagsimula na ang Dengue months sa panahon ng tag-ulan at habang tayo ay patuloy na nakikipaglaban sa Corona virus Disease-2019, nagtulungan para isagawa ang proyekto ang Dugong Alay, Dugtong Buhay, Incorporated (DADBI) na pinamumunuan ng masipag na si Napoleon “Nap” Marilag at inyong lingkod na isang honorary member at ang Philippine Chinese Charitable Association, Incorporated (PCCAI), na siyang may-ari at nagpapatakbo ng CGH Medical Center na pinangungunahan nina Dr. James Dy, Antonio Tan, Kelly Sia, Dr Samuel Ang at Dr. Benito Goyokpin.

 

 

Bukas po ang blood donation campaign sa lahat ng nagnanais na magbahagi ng kanilang dugo.
Simple lamang po ang proseso na gagawin, karagdagan lamang ang mga health protocol na susundin ng mga DADBI at PCCAI-CGHMC organizer sa pangunguna ni CGHMC deputy administrator and Vice President Gracita “CheChe” Javier alinsunod sa pinaiiral ng ating Department of Health at ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Disease.

 

Susuriin po kayo ng mga doctor ng CGHMC upang malaman kung kayo ay may sapat na tulog, tamang timbang, maayos at normal na blood pressure, walang bagong tattoo sa loob ng isang taon, walang maintenance drugs o depende sa iniinom, hindi sumalang sa bagong operasyon, walang menstruation sa mga babae, at hindi nagbigay ng dugo sa nakaraang tatlong buwan.

 

Masusi rin pong sasailalim sa pagsusuri ang makukuhang dugo kung ito ay mayroong syphilis, HIV, hepatitis at HTLV (human T-lymphotropic virus) na nagdudulot ng karamdaman sa dugo o sa nerve system.
Sa mga lalahok sa blood donation, maliban sa merienda at tubig, pagkakalooban din kayo ng tumbler, tig-isang box ng ferrous sulphate para sa iron deficiency anemia at calcium carbonate.

 

Ang mga gamot ay handog mula sa inyong lingkod at PDG (past district governor) Dr. Robert Sy, project manager ng Lions Quest, MD 301, na isa ring PCG auxiliary at ang kabiyak niyang si PDG Marissa Sy, MD301-A4 sa koordinasyon ni Lion President Sol Flores Jr. at ang DOH.

 

Kinakailangan ninyong magsuot ng face mask, habang daraan kayo sa proseso ng thermal scanning, paglalagay ng alcohol o paghuhugas ng kamay, at oobserbahan po ang social distancing.

 

Ang mga tauhan ng ospital na haharap sa inyo ay nakasuot ng kanilang PPE (protective personal equipment).
Makatutulong kung kayo na magdo-donate ng dugo ay may sapat na tulog, anim hanggang walong oras, naka-inom ng 16 oz na tubig bago magpakuha ng dugo, nakapaligo nang maayos, kung maaari ay naka-short sleeves lamang o t-shirt, hangga’t maaari ay dapat nakapantalon ang mga kababaihan, at nakapag-agahan para maiwasan ang pagkahilo.
Kahit tumigil ang ekonomiya at namalagi tayo sa bahay ng tatlong buwan, hindi naman tumigil ang pangangailangan ng mga kababayan natin sa dugo, kaya lubhang mahalaga ang pakikiisa ninyo sa ating blood donation campaign, marami kayong masasagip na buhay.

 

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na tayo sa ating mga bayani na lalahok sa darating na July 11, 2020.
Magkita-kita po tayo sa CGH College.

Other News
  • PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget

    MAY  Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng  revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite […]

  • SWS: 81% ng pamilyang Pinoy pagsusuotin ng mask ang mga bata sa school kahit boluntaryo na

    NASA siyam sa 10 “household heads” ng mga Pamilyang Pilipino ang sang-ayon sa boluntaryong pagpapagamit ng face masks laban sa COVID-19 kahit sa mga estudyanteng pumapasok ng paaralan — sa kabila nito, 81% ang nagsasabing pagsusuotin pa rin nila ang kanilang mga anak tuwing pupunta ng eskwela, ayon sa Social Weather Stations.     Matatandaang […]

  • Pagbabakuna laban sa Covid-19, hindi kailangang gawing mandatory-Sec. Roque

    HINDI kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa Covid-19.   Ito’y sa kabila ng nire-require ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna ay hindi naman dapat na gawin itong mandatory lalo pa’t nananatiling mababa ang suplay ng bakuna.   “Bilang isang abugado, kabahagi ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan […]