Roque, inaming nasa labas na ito ng Pilipinas
- Published on December 5, 2024
- by @peoplesbalita
Kasunod ng pag-amin ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na pumunta siya sa Abu Dhabi, inamin din niyang nananatiling wala siya sa Pilipinas.
Sa pulong balitaan ngayong araw, natanong si Roque nasa labas pa rin siya ng Pilipinas o kung nakabalik na siya sa bansa.
Sagot ni Roque, nasa labas siya ng bansa.
Gayonpaman, hindi naman tinukoy ng dating Duterte spokesman kung saang bansa siya naroroon.
Tinanong din ng media ang dating kalihim kung kailan pa siya lumabas sa Pilipinas.
Pero ayon kay Roque, ‘no comment’ na siya sa naturang katanungan.
Sa kasalukuyan ay mayroong Immigration Lookout Bulletin na inilabas laban kay Roque.
Mayroon din itong arrest order na unang inilabas ng Kamara de Representantes kasunod ng ilang beses niyang hindi pagsipot sa pagdinig ng Quad Committee. (Daris Jose)
-
VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan
Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers. Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas. Maraming mga […]
-
Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’
IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda. Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]
-
SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’
NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong. Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]