Sixers, napigilan ang comeback effort ng kapwa kulelat na team, 110 – 104
- Published on December 5, 2024
- by @peoplesbalita
Hindi umubra ang comeback effort ng Charlotte Hornets para itumba ang Philadelphia 76ers sa naging laban ng dalawa ngayong araw, 110 – 104.
Hawak kasi ng Sixers ang kalamangan mula 1st hanggang sa ikatlong quarter ng laro kung saan sa pagtatapos ang Q3 ay mayroon itong 11 points na lamang.
Umarangkada naman ang magandang opensa ng Hornets sa pagpasok ng 4th quarter at nagawang maitabla ang score ilang minuto bago matapos ang laban.
Isang minuto at labingsiyam(19) na segundo bago matapos ang laro, naungusan ng Charlotte ang Sixers, 100 – 99, sa pammaagitan ng free throw na iginawad kay Josh Green.
Gayunpaman, tinawagan din ng foul ang Charlotte at naigawad ang dalawang free throw kay Tyrese Maxey. Naipasok ni Maxey ang dalawang attempt at sinundan ng isang layup, matapos mabigo ang Hornets na gumawa ng shot.
Sa loob ng ilang segundo, nagawa ng Sixers na panatilihin ang lead, hanggang sa tuluyan itong tuludukan ni Maxey sa huling dalawang segundo ng laro gamit ang isang 2-pt shot.
Sa kabila ng panalo, nananatili sa lima ang panalo ng Sixers habang 14 na ang pagkatalong nalasap.
Para sa Hornets, ito na ang ika-labinlimang pagkatalo nito habang anim pa lamang ang naipapanalong laba.
-
PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy
HININGI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources. Sa kanyang naging interbensyon sa 23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng paglunas sa kapaligiran “is lessening the dependence on fossil […]
-
Richard Bachmann: New PSC Chairman
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC). Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto. Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]
-
Nets forward Durant minultahan ng $15-K dahil sa pagmumura
PINATAWAN ng $15,000 na multa ng NBA si Brooklyn Nets star forward Kevin Durant dahil sa pagmumura matapos ang paglalaro. Nakapagmura kasi si Durant ng talunin ng Portland Trailblazers ang Nets 114-108 nitong nakaraang Martes. Hindi rin nito na-satisfy ang NBA security review requirement. Ang 33-anyos na American forward […]