• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors, nalasap ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng Nuggets

Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng 2023 NBA champion na Denver Nuggets.

 

 

 

Dahil dito, lalo pang nabaon ang Warriors sa walong pagkatalo matapos simulan ang season sa 12 – 3, at maging pinakamalakas na team sa Western Conference.

 

 

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan. Ilang beses ding hinawakan ng Warriors ang Lead kung saan sa 4 na minuto bago matapos ang laro ay hawak ng GSW ang walong puntos na kalamangan.

 

 

Gayonpaman, magkakasunod na ginawaran ng free throw ang Denver at sa loob ng nalalabing apat na minuto ay napagbigyan ang koponan ng walong free throws.

 

Sa tulong ng magandang opensa at depensa ni 3-time NBA MPV Nikola Jokic ay naungusan ng Denver ang Warriors, 48 secs. bago matapos ang laro.

 

 

Hindi na nakabawi ang GS matapos nito, sa kabila ng ilang shots ng GS.

 

 

Muling gumawa ng double-double si Jokic sa naging panalo ng Denver – 38 pts, 10 rebs, 8 assts. Nagpasok naman ng 22 points ang forward na si Michael Porter.

 

 

Sa Warriors, hindi nagawa ni Stephen Curry na isalba ang kaniyang team sa kabila ng double-double – 24 pts, 11 assts, at 7 rebs. Hindi naman nakapaglaro si Draymond Green sa naturang laro, at pumalit sa kaniya bilang forward si Jonathan Kuminga na tumipa ng 19 pts.

 

 

Sa kasalukuyan, hawak ng Nuggets ang 11 – 8 win/loss record.

Other News
  • Gobyerno, target na bakunahan ang 90% ng mga guro at estudyante bago matapos ang Nobyembre

    PUNTIRYA ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna, kahit man lang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang education personnel laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bago matapos ang Nobyembre.   Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., hepe ng National Task Force (NTF) against Covid-19, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno para tiyakin na ligtas […]

  • Sec. Roque , iginiit na naging maingat at mahigpit na sinunod ang mga kailangang safety protocol

    IGINIIT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya nagpabaya at mahigpit niyang sinunod ang safety protocol subalit nag-positibo pa rin siya sa COVID 19.   Kaya nga ikinabigla niya ang naging resulta ng kanyang rt- PCR test nitong nagdaang linggo.   “Ang tanong: Ito ba ay dahil nagpapabaya ang taumbayan? Ako ba ho ay […]

  • Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa

    KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.     At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man  o matanda sa masayang […]