Seniors puwedeng mag-mall, grocery kahit anong oras
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT anong oras ay maaaring lumabas ang mga senior citizens para pumunta sa mga malls at groceries upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan
Nilinaw ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos iginiit ni National Commission of Senior Citizens Chair Atty. Franklin Quijano na dapat ilaan ang alas-9 hanggang alas- 11 ng umaga ng mga malls at groceries para sa mga senior citizens.
“Unang-una, hindi po pinagbabawalan lumabas ang ating mga seniors para bumili ng kanilang necessities. Pupuwede po silang pumunta sa mga malls, sa groceries kahit anong oras,” ani Roque.
Hindi na aniya kailangang aprubahan pa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens na lumabas.
Nauna rito, sinabi ni Quijano na maraming senior citizens ang nagre-reklamo dahil hindi sila pinapapasok sa mga groceries at malls. (Ara Romero)
-
Fernando mandates temporary suspension of mining activities, demands DPWH, LTO, PNP, HPG to help crackdown overloading
CITY OF MALOLOS – To address the ongoing issue on dilapidated roads and over-mining in the province, Bulacan Governnor Daniel R. Fernando issued Executive Order No. 21 which mandated the temporary suspension of all mining permits, quarrying, dredging, desilting and other type of mineral extractive operations within Bulacan. During the dialogue with the […]
-
Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024
TINATAYANG 77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon. Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon. […]
-
Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19
SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19. Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation. Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines. Sa kanyang talumpati sa “State of the […]