• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manny Pacquiao nahalal sa Boxing Hall of Fame

NAHALAL sa International Boxing Hall of Fame si Filipino boxing legend Manny Paquiao.

 

 

 

Magiging bahagi siya ngayon ng Hall of Fame class of 2025.

 

 

 

Siya lamang ang mayroong walong weight divisions mula flyweight hanggang superwelterweight.

 

 

Taong 2021 ng tuluyang magretiro sa boxing ang Pinoy southpaw boxer matapos ang 72 na laban sa buong career kung saan mayroong 62 ang panalo, walong talo at dalawang draws.

 

Siya rin ang unang atletang Pinoy na naitampok sa TIME magazine sa listahan ng world’s 100 most influential people noong 2009.

 

 

Ikinatuwa naman ng 45-anyos na si Pacquiao ang pagkakapili sa kaniya ng Hall of Fame.

 

 

Isang karangalan sa kaniya na dalhin ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo.

Other News
  • 20 katao patay, 14 nawawala dahil sa Habagat, Ferdie, Gener —NDRRMC

    TINATAYANG may 20 katao na ang napaulat na nasawi at 14 naman ang nawawala dahil sa epekto ng Southwest Monsoon, o Habagat at maging Tropical Cyclones Ferdie at Gener.     Sa 8 a.m. Bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na siyam ang naitalang nasawi sa Mimaropa, tig-apat sa […]

  • Gold target ni Mojdeh sa Thailand

    MAMANDUHAN ni Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang ratsada ng national junior swimming team sa 46th Southeast Asian Age Group Championships na tatakbo mula Disyembre 6 hanggang 8 sa Bangkok, Thailand.       Sariwa pa si Mojdeh sa matagumpay na kampan­ya sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup na ginanap sa […]

  • Nagbanta na iti-trace at posibleng kasuhan- MON, binuweltahan ang isang content creator dahil sa mapanirang ‘joke’ post

    MARAMI ngang nagulat sa pinost ng award-winning actor na si Mon Confiado sa kanyang Facebook account noong Biyernes, August 9.         Hindi kasi niya nagustuhan ang mapanirang post ng isang content creator para magkaroon ng maraming views.         Nitong Huwebes, August 8, nag-post sa Facebook ang isang “Ileiad” tungkol […]