• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.

 

Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.

 

Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa naunang 344 players na nasuri mula June 24-29.

 

Umabot naman sa 10 team staff members ang nagpositibo rin sa coronavirus.

 

Ang nasabing bilang ay mula sa 884 team staff members na sinuri mula June 23-29.

 

Agad namang inilagay sa quarantine ang mga nagpositibong players at staff.

Magugunitang mula noong Marso ay natigil ang mga laro sa NBA dahil sa pagpositibo ng ilang manlalaro kung saan nakatakda silang magbalik sa paglalaro sa Hulyo 30 sa Orlando, Florida.

Other News
  • 50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

    Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.     Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.   […]

  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]

  • Santiago, Ageo Medics kampeon sa V.League

    HUMAMBALOS ng mahalagang  11 points sa pamamagitan ng nine attacks at two blocks si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago para kargahin ang Saitama Ageo  Medics sa pagtaob sa NEX Red Rockets, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 upang magkampeon sa 27th Japan V.League Division 1 V Cup 2021 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo Linggop, Marso 28. […]