Escamis tinupad ang pangako kay Alcantara
- Published on December 10, 2024
- by @peoplesbalita
TINUPAD ni guard Clint Escamis ang kanyang pangako kay coach Randy Alcantara sa Final Four.
Matapos sibakin ang Lyceum of the Philippines University sa semifinals ay nangako ang 6-foot-1 star kay Alcantara na magkakampeon ang Mapua University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
At tinupad ito ng 24-anyos na si Escamis.
Kumamada ang Finals MVP na si Escamis ng mga averages na 24.5 points, 4.0 assists at 4.0 steals para sa 2-0 sweep ng Cardinals sa College of St. Benilde Blazers sa kanilang best-of-three titular showdown para angkinin ang korona noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
“After namin manalo sa Lyceum, lumapit siya sa akin, niyakap niya ako at ang sabi niya sa akin, ‘Coach, hindi na natin ito pakakawalan.’ At ginawa niya. Tinupad niya,” sabi ng 52-anyos na si Alcantara kay Escamis.
Winakasan ng Mapua ang kanilang 33 taong pagkauhaw sa NCAA crown na huli nilang nakamit noong 1991 matapos ang game-winning shot ni Benny Cheng sa Game Three laban sa San Beda.
“Ang dami na naming pinagdaanan talaga. Nanalo kami nu’ng high school, nag-rebuild, tapos nakapag-championship kami, natalo kami when we were one win away from the title,” ani Escamis kay Alcantara na naging coach niya sa Mapua Red Robins sa juniors’ division.
Kasama ng 55-anyos na si Cheng sa nasabing tropa ni mentor Joel Banal sina Chester Lemen, Reynold So, Neri Ronquillo, George Baltazar at Darren Evangelista na nanood sa Game 2 sa Big Dome.
Tinalo ng Cardinals ang Blazers sa Game One, 84-73, at Game Two, 94-82, para kumpletuhin ang series sweep.
-
Asian MMA Manila Open tagumpay — Tolentino
PASADO sa Asian federation head para sa mixed martial arts (MMA) ang matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa Manila Open—ang inaugural Asian MMA championships na nagtapos noong Miyerkules sa Mariott Manila sa Pasay City. “Is it through your commitment that we’re able to deliver such a remarkable successful event,” ani Asian MMA Association […]
-
Paglabas ng mga bata, suspendihin – Metro Manila
Nais ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanganib na Delta variant. Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), na inirekomenda na nila sa Inter-Agency […]
-
Banta ng Tsina na ide-detain ang mga mangingisda sa WPS , ‘act of escalation’- PBBM
ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “act of escalation” ang banta ng Tsina na ide-detain ang mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea (WPS). Sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng kanyang state visit sa Brunei Darussalam, inilarawan ni Pangulong Marcos ang banta ng Tsina bilang “different policy at worrisome development.” […]