Dalawang pelikula ang pasok sa 50th MMFF: SID, aminadong ‘di makakasabay kay VIC sa pagpapatawa
- Published on December 10, 2024
- by @peoplesbalita
ANG suwerte ni Sid Lucero dahil dalawa ang pelikula niya sa 50th Metro Manila Film Festival.
Una ay ang ‘The Kingdom’ with Vic Sotto and Piolo Pascual ng APT Entertainment at second ay ‘Topakk’ with Arjo Atayde and Julia Montes ng Nathan Studios Inc.
Break nga ito ni Sid mula sa sunud-sunod na sexy movies na ginawa niya for Vivamax. Kung drama raw ang ‘The Kingdom’, napasabak naman siya sa action sa ‘Topakk’.
“It’s been a while na nagkaroon tayo ng malaking action movie and I am proud to be part of Topakk. It made rounds sa mga international film festivals and it is truly a movie you shouldn’t miss, lalo na sa mga mahilig sa action movies this Christmas.
“Then again, para naman sa buong pamilya ang The Kingdom where I play Bossing Vic Sotto’s son. Buti na lang at hindi siya comedy or else di ako makakasabay kay Bossing,” ngiti ni Sid.
Ang Tito Michael (de Mesa) naman ni Sid ay nasa isa ring MMFF movie na ‘Green Bones’ ng GMA Pictures. Magkikita raw silang mag-tito sa Parade of Stars.
***
NATUPAD ang wish ni Next Gen Leading Lady Sofia Pablo na magkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.
Every December 25 daw ay nanonood sila ng mommy niya ng mga pelikula sa MMFF.
“Naging tradition na namin ni mommy na on Christmas Day manood kami ng mga festival entries in one day. Kaya buong araw kami nanonood ng mga movies kunsaan puwede akong makapasok. Ang saya-saya lang,” pag-alala ni Sofia,
Natuwa ang 18-year old Sparkle teen nang mapasama siya sa official entry ng GMA Pictures na ‘Green Bones’ na pinagbibidahan nila Dennis Trillo at Ruru Madrid.
“Noon ko pa talagang gusto magkaroon ng movie sa MMFF. Especially noong mapanood ko ‘yung Firefly last year, nag-pray talaga ako na makagawa ako ng gano’ng klaseng pelikula and to have the chance to work with Direk Zig Dulay. Then nagkatotoo ‘yung matagal ko nang hinihiling na movie,” sey ni Sofia
Isa rin daw sa ikinaka-excite ni Sofia ay ang sumakay sa float sa MMFF Parade of Stars.
“Excited po akong makita ang float ng Green Bones. Dati po sa TV ko lang napapanood ‘yung parade, ngayon po makakasama na ako.“
Kasalukuyang nasa South Korea si Sofia kasama ang ka-loveteam na si Allen Ansay para sa media launch ng Netflix for ‘Squid Games Season 2.’
(RUEL J. MENDOZA)
-
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. (Richard Mesa)
-
ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko
GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa. Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila […]
-
Mas maraming Pilipino ang naging obese sa panahon ng pandemya – survey
TUMAAS ang bilang ng ‘obesity’ lalong lalo na sa mga bata dahil sa Covid-19 pandemic. Base ito sa bagong survey na ginawa ng pamahalaan. Nakasaad sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), lumalabas na ang obesity rate sa mga bata […]