Japeth Aguilar, Adrian Wong ipinatatawag ng PBA hinggil sa video ng 5-on-5 game
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinatatawag ngayon sa PBA Commissioner’s Office sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang makuha ang kanilang panig tungkol sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakatakda niyang pulungin sina Aguilar at Wong sa darating na Lunes matapos kumalat sa online ang mga videos kung saan makikitang naglalaro ang mga ito ng five-on-five basketball.
Maaalalang batay sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF), bawal ang pagsasagawa ng mga contact sports, maging ang mga practice at scrimmage.
Sinabi pa ni Marcial, nakausap na raw nito ang special draft pick na si Isaac Go, isa pa sa mga players na nakita sa video, tungkol sa nasabing insidente.
Maliban kina Aguilar at Go, nakita rin na naglalaro sa isang full-court game si Thirdy Ravena sa Ronac Gym sa San Juan.
Habang si Wong ay namataan naman sa ibang mga larawan at video na ipinost sa Instagram ng isang basketball trainer.
Ani Marcial, kanya raw rerebyuhin ang lahat ng mga videos na nakalap ng kanyang tanggapan bago makipagpulong sa mga players.
Umaasa naman ito na hindi parurusahan ng IATF ang mga sangkot na manlalaro.
-
Guy Ritchie’s Next Movie With Henry Cavill and Jake Gyllenhaal Officially Has a Release Date
AT the Lionsgate panel at CinemaCon, we finally learned when director Guy Ritchie’s next feature will hit the big screen. Announced last year out of Cannes, the then-untitled In the Grey was announced as the action comedy veteran’s next big project with a handful of regular collaborators reuniting with him for the occasion, including The […]
-
Subi Reef, ‘anchoring hub’ ngayon ng mga barko ng tsino sa WPS
NAGSISILBI ngayong ‘anchoring hub’ ng Chinese ships ang Subi Reef sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang naging pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad bilang tugon nang hingan ng komento ukol sa patuloy na presensiya ng Chinese ships sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal at Pagasa […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]