Request ng Indo govt para sa katahimikan ng Veloso case, iginagalang ng Pinas- PBBM
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
GINAGALANG ng Pilipinas ang ‘request’ ng Indonesian government na iwasan ang anumang pagpapalabas ng pahayag o kalatas kaugnay sa kaso ng death row convict Mary Jane Veloso.
“We were asked by the Indonesian government not to make any announcements until everything is settled. So, let’s respect that request,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa isinagawang inagurasyon ng Viaduct 3 sa Pulilan, Bulacan.
Tugon ito ng Pangulo nang tanungin kung si Veloso, isang convicted na drug trafficking sa Indonesia, ay makababalik ng Pilipinas bago mag-Pasko matapos na makasama sa death row sa loob ng 14 na taon.
Samantala, sa ulat, hindi malabo ang pagkakaloob ng executive clemency para sa ilipina domestic worker na si Mary Jane Veloso sa kabila ng kinahaharap nitong mga kaso.
Ito ang sinabi ni former Justice Secretary at current Solicitor General Menardo Guevarra nang matanong siya tungkol sa request ng National Union of Peoples’ Lawyer, at ng kampo ni Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos na executive clemency para kay Veloso.
Paliwanag ni Guevarra, ang umano’y krimen na kinasasangkutan ni Veloso ay naganap sa Indonesia kung saan siya na-convict at nasintensyahan.
Dahil dito, tanging ang Indonesia lang aniya ang maaaring mag-grant ng executive clemency.
Sa kabila nito, binigyang-diin niya na ‘hindi imposibleng’ i-grant din ni Pangulong Marcos ang clemency.
Posible umano ito kung mapagkakasunduan ng dalawang lider ng dalawang bansa.
Una nang sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na bukas ang Indonesian Government na hayaan si Pangulong Marcos ang magbigay ng clemency kay Veloso. (Daris Jose)
-
Mahigit 3.7K kaso ng leptospirosis, naitala na sa PH – DOH
SA GITNA ng matinding mga pag-ulan at inaasahang mga pagbaha, nag-isyu ng public health advisory warning ang Department of Health laban sa leptospirosis. Sa isang statement, ipinayo ni Health Secretary Ted Herbosa na iwasan hangga’t maaari ang paglusong sa tubig baha. Kung di naman maiwasan na ma-expose sa tubig baha, pinapayuhan […]
-
Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA
Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila. “The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as […]
-
Curry muling bumida sa Warriors
Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban. Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5). May […]