• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS

MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon.

 

 

Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal noong Lunes sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

“Earning the Seal of Good Local Governance six times is proof that we can achieve the highest standards of public service as long as we work together and remain united. We are deeply honored and humbled by this recognition, as well as the trust and confidence our people have placed in our leadership,” ani Tiangco.

 

 

“Ang karangalang ito ay alay natin sa bawat Navoteño na naging katuwang namin sa pagbuo ng isang maunlad at masayang Navotas,” dagdag niya.

 

 

Ang SGLG ay isang institutionalized award, incentive, at recognition-based program ng pambansang pamahalaan na naglalayong itaas ang kultura ng mabuting pamamahala.

 

 

Ang mga tatanggap ng seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

 

Ang Navotas ay nakatanggap din ng SGLG noong 2015, 2017, 2019, 2022, at 2023 mula sa DILG. (Richard Mesa)

Other News
  • Matapos sibakin sa puwesto ang 6 na opisyal ng BOC dahil sa smuggling sa asukal: Balasahan sa BOC, posible

    MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng balasahan sa BoC  kapag may lumabas na ebidensiya na may port personnel ang nakipagsabawatan sa  mga smugglers gamit ang recycled sugar import permits.     Ito’y matapos na may anim na opisyal ng  Bureau of Customs (BoC)  ang  tinanggal  sa puwesto sa Port of Subic  habang nakabinbin ang imbestigasyon […]

  • In character pa habang nakaupo sa wheelchair: RICHARD, kitang-kita ang reaksyon nang sorpresahin ng kanyang pamilya

    ALIW ang panonorpresa kay Richard Yap ng kanyang pamilya nitong kaarawan niya.     In character ang Kapuso actor sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kanyang ika-56 na kaarawan.     Sa video na ipinost sa Instragram ng Sparkle GMA Artist Center, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody […]

  • Never naisip na mag-join ng beauty pageant: RHIAN, walang poise, composure at emotional control

    UMALIS ang soon-to-be parents na sina Kris (Bernal) at Perry Choi for South Korea for their ‘babymoon’ bago nila officially i-welcome ang kanilang baby girl. IG caption ni Kris: “Babymoon. A last hurrah before baby comes. See you in a bit, Korea!”     Excited si Kris dahil May 17 ang birthday niya at doon […]