• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata na gumagala habang armado ng baril sa Malabon, kulong

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang kelot matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, 20, ng Brgy. Longos.

 

 

Batay sa imbestigasyon nina PMSg Mardelio Osting at PSSg Sandy Bodegon, bago ang pagkakaaresto sa suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang gumagala sa Labahita Street, Brgy. Longos na nagdulot ng pangamba sa mga tao sa lugar.

 

 

Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ni SIS chief P/Capt. Richell Siñel ang naturang lugar kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril sa kanyang kanang kamay dakong alas-2:50 ng hapon.

 

 

Maingat nilapitan ng mga operatiba ng SIS ang suspek saka sinunggaban at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

 

 

Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay binitbit ng pulisya ang suspek para sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act). (Richard Mesa)

Other News
  • Ads July 24, 2024

  • Rest In Peace: Ligaya F. Callejo

    Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na […]

  • P105.6B inilaan ng DBM para sa state universities, colleges para sa libreng edukasyon

    NAGLAAN ang  Department of Budget and Management (DBM) ng P105.6 bilyong piso para sa  state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program para sa taong 2024.     Sinabi ng DBM na ang alokasyon ay susuporta sa free tertiary education sa SUCs at maging para tugunan ang nawalang pag-aaral dahil […]