Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga.
Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.
Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV sa concrete barrier nang bigla na lamang umano itong umangat at nagdire-diretso sa kanto ng UN at Taft Avenue.
Limang motorsiklo ,isang tricycle at dalawang sasakyan ang nadamay sa insidente.
Itinanggi naman ng may-ari ng SUV na nakainom ang kanyang driver.
Ayon sa may-ari, kasasakay lamang niya sa SUV nang bigla na lamang itong “nag-wild” at humarurot.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang driver ng SUV .
Samantala, umapela ang mga nadamay na motorista na sagutin o bayaran ang napinsala nilang sasakyan .
Nagpahayag naman ng kahandaan ang may-ari ng SUV na sagutin ang danyos. GENE ADSUARA
-
Buti na lang at natapos sa tulong ng mga nanood ng concert: SHARON, emosyonal pa rin ‘pag kinakanta ang ‘Bituing Walang Ningning’ dahil kay CHERIE
NAGING matagumpay ang first leg ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Adelaide, Australia last October 15. Sa kanyang IG post nagpasalamat nga siya sa mga nanood, “One down, three to go in Australia! Thank you, ADELAIDE for coming to my show last night and for all your love.❤️❤️❤️ I love you all!!! […]
-
PBBM, hinikayat ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa, ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba. Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga […]
-
2 most wanted persons, timbog sa Caloocan
NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera […]