• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara dedma uli sa NBI probe

SA IKALAWANG pagkakataon, hindi na naman sisiputin ngayong araw ni Vice President Sara Duterte ang isinasagawang imbestigas­yon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y ginawa niyang pagbabanta laban sa buhay ni Pang. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr..

 

 

 

Sa isang media interview, sinabi ni VP Sara na mayroon silang thanksgiving activities ngayong Miyerkules at kailangan umano niyang umuwi ng Davao City para dumalo sa libing ng kanyang yumaong tiyuhin.

 

Ayon kay VP Sara, sinabi rin sa kanya ng kanyang mga abogado na maaari naman niyang hindi puntahan ang pagdinig at sa halip ay magsumite na lamang ng sulat, affidavit o di kaya ay position paper, depende sa kanyang magiging desisyon.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez si VP Sara na dumalo sa imbestigasyon ng NBI.

 

“Well, that’s part of the legal process. If they believe that she’s better off not attending, that’s their lookout. That’s a matter that would be left to the discretion of their defense team, but it would be best if she would present herself because that’s part of the process,” ayon pa kay Vasquez, sa isang ambush interview sa Pasay City.

 

 

Matatandaang Nob­yembre 29 pa sana dapat na dumalo sa NBI probe si VP Sara upang magbigay ng paliwanag hinggil sa kanyang pahayag sa isang online press conference, na may kinausap na siyang tao upang patayin si PBBM, gayundin ang kanyang may bahay na si First Lady Liza Araneta Marcos, at pinsang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sakaling may pumatay sa kanya.

 

 

Gayunman, hiniling­ nitong ipagpaliban ng NBI ang pagdinig, sanhi upang mai-reset ito ngayong Miyerkules. (Daris Jose)

Other News
  • Dating Rep. Nina Taduran, itinalaga bilang undersecretary ng DSWD

    NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga dating mamamahayag at mambabatas na kabilang sa mga appointee ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ito’y matapos na lumabas ang appointment ni dating ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran, bilang undersecretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).     Ipinakilala si Taduran sa isang event bilang […]

  • Balik-acting na sa ‘Black Rider’: MICHELLE, excited na sa magiging role at makapag-motor

    NOONG mag-guest si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong sa kanya ang final question sa Miss Universe na, “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?” Sagot ni Michelle: “If I could choose to live in any woman’s shoes, […]

  • Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”

    Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]