• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na sina alyas “Benjamin”, 22, at alyas “Marvin”, 25, kapwa residente ng Manila.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ni P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon na dumadayo pa umano ang mga suspek sa lungsod para magbenta ng shabu.

 

 

Nang tanggapin umano ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-10:10 ng gabi sa Lapu-Lapu Street Barangay San Roque.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng suspected shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Bandang alas-4:04 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU ang dalawa ring tulak na sina alyas “Tukmol” at alyas “Kalut”, sa buy bust operation sa Babanse St. Brgy. NBBS.

 

 

Ani Capt. Rufo na nanguna sa operation, nasamsam sa mga suspek ang nasa 10.26 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas na halagang P69,768.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Navotas police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong nagpapalakat ng ilegal na droga kung saan patuloy aniyang sinusuportahan ng NPD ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at ang kapakanan ng komunidad.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Bicam ibinalik P10-B NTF-ELCAC budget, P150-M DepEd confidential funds

    ISINAOLI  ng mga mambabatas ang bilyun-bilyon at milyun-milyong kontrobersyal funds sa 2023 proposed budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Department of Education, bagay na una nang tinapyasan.     Ito ang ibinahagi nina Sen. Sonny Angara at Rep. Zaldy Co (Ako Bicol party-list), Lunes, matapos aprubahan ng bicameral […]

  • P.2M shabu nasabat sa Malabon, Navotas buy bust, 3 kalaboso

    AABOT sa mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug personalies, kabilang ang isang babae matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust […]

  • Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW

    MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.     Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya.     Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral […]