Dahil sa Holiday rush Quezon City traffic enforcers duty hanggang hatinggabi
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
AABUTIN na ngayon hanggang alas-12 ng hatinggabi sa pagbabantay sa lansangan ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Division ng Quezon City.
Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Dexter Cardenas na mas pinahaba nila ngayon ang pangangasiwa sa daloy ng trapiko matapos na tumaas sa 20 percent ang dami ng mga sasakyan na nagbibiyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Cardenas, marami rin ang nakakalat na mga tauhan sa mga kalsada malapit sa mga malalaking simbahan sa Quezon City, malls at mga parke na madalas puntahan ng mga tao tuwing Pasko.
Nanawagan din si Cardenas sa publiko na huwag nang gumamit ng maraming sasakyan upang hindi na maapektuhan ng pagsikip ng daloy ng trapiko.
Mayroon din aniyang libreng sakay ng bus sa QC para maghatid sundo ng mga commuters.
Pabor naman si Cardenas sa pagdaan ng EDSA ng mga provincial bus ngayong holiday season upang maiwasan ang trapik sa mga secondary roads.
Hindi naman anya kailangan pang ipagbawal ang mga mall sale laluna sa QC sa halip ay tutulong na lamang sila sa mga mall guards para magkaroon ng maayos ang dalo
-
Balitang positibo raw sa shingles: KRIS, kailangan pa rin ng matinding dasal
İSA sa highest paid TV host ngayon ang Kapamilya aktres Anne Curtis. Hindi rin kataka-takang isa rin ang aktres sa may malalaking kinita sa mga showbiz personalities. Marami-raming celebrities na ang tinalbugan si Anne as far as showbiz earnings at isa na rito si Kris Aquino na may ilang […]
-
Libreng sakay sa MRT3
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3. Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) […]
-
Ads February 14, 2022