5 puganteng dayuhan, inaresto ng BI
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
LIMA pang mga puganteng dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa upang harapin ang kanilang mga kaso.
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa mga inaresto ay isang American, isang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Koreano sa magkakahiwaay na operasyon ng BI fugitive search unit.
Dagdag pa ni Viado na nakatakdang ipa-deport at ituturing na-blacklisted upang hindi na muling makapasok ng bansa.
“There will be no letup in our campaign to catch and expel these fugitives whose presence here poses a serious threat to public safety and security,” ayon sa BI Chief.
Inaresto noong Deember 2 sa Kabankalan City, Negros Oriental ay ang Amerikanong si Paul Raymond Ross, 66, na wanted sa Pennsylvania sa kasong extortion at harassment.
December 3 naman nang naaresto sa n Lapu-Lapu City, Cebu ang dalawang Koreano na sina Jung Yunjae, 26, at Jeon Hyeonuk, 41, dahil sa over staying at kasong kidnapping na may warrant of arrrest na inisyu ng Ulsan District Court in Korea.
Noong December 6 naman naaresto ang Chinese national na si Ji Shunchao, 64, na wanted sa Shishi Municipal Public Security Bureau sa China dahil sa fraudulent tax refunds.
At noong December 8 naman inresto si ang Taiwanese national na si Ye Tian Hao, 32, sa Pasay City dahil sa warrant of arrest na inisiyu ng district prosecutor sa Taichung, Taiwan dahil sa fraud. (Gene Adsuara)
-
Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA
NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mall operators sa National Capital Region (NCR) na ipatupad ang adjusted mall hours simula sa Nobyembre 18 hanggang Disyembre 25, 2024. Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang […]
-
Pagtanggal ng Russia sa Swift banking system hindi pa napapanahon – Biden
HINDI pa napapanahon na putulin ang Swift banking sa Russia dahil sa ginawa nitong paglusob sa Ukraine. Sinabi ni US President Joe Biden na marami ng mga panukala para sa sanctions sa mga banko pero kalabisan na aniya kung pagbawalan ang Russia sa Swift. Maaaring ipatupad aniya ito sa mga susunod […]
-
Ads February 13, 2020